2-He proposed

2145 Words
"Hoy, ano ba! Bitawan mo kamay ko. Madadapa ako sa ginagawa mo, saka maraming nakatingin sa 'tin." "Don't mind them. Hindi ka madadapa habang hawak kita." "Yabang! Bitaw na kasi." "Malapit na tayo sa gym, bibitawan pa ba kita?" "Oo kaya! Maraming mga mata ang nakatingin, baka kung ano ang isipin nila. Ayoko nang tsismis, tahimik ang buhay ko, ayokong magulo." "Why? Wala naman tayong ginagawang masama, ah. You're like a sister to me." Ouch! Literal na ouch. He's hurting me and he doesn't have an idea. Hay, bakit kaya hindi pwedeng mag-level up ang damdamin niya sa 'kin? "I love Freya, and Freya loves you like a sister. Kung sino ang mahal ng mahal ko ay mahal ko rin." So, ayon pala yun. Sinagot niya na rin ang tanong sa isipan ko. "Clarke!" Saktong pumasok kami ng gym nang sumigaw ang isa sa mga kasamahan ni Clarke sa basketball team. Mabilis nya'ng binitiwan ang kamay ko. "Just sit, here. Wala ka namang klase na 'di ba?" Umiling ako. "Layas na, ok lang ako rito." He smiled before turning his back. Napabuga na lamang ako ng malalim na paghinga. I'm not a substitute girlfriend. Dapat ay si Freya ang nandito at hindi ako. Nakakainis! Iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Marami rin pala ang nanunuod, hindi ko yata sila napansin ng pumasok kami. Mayroon isang grupo na medyo malapit lang sa pwesto ko. Nagbubulungan ang mga ito. "Di ba, best friend niyan ang girlfriend ni Clarke? OMG! Guys, naisip niyo ba ang naiisip ko?" Tahimik lang ko. Halata naman na hindi na 'yon bulong kundi parinig. "She's flirting with Clarke." sabat ng isang kasamhan. "Oh, well , we can't blame her girls, kasi naman ang yummy ni papa Clarke. But best friend niya ang GF ni Clarke, hindi ba ang pangit tingnan, BF ng bes mo tapos nilalandi mo." Ikinuyom ko ang aking kamao. Tumingala ako sa bubong at pumikit nang panandalian ngunit napa aray ako nang may bigla na lamang tumama sa 'kin. Sapo ang aking noo, napadilat ako ng mga mata. Isang matangkad at mestesong lalaki ang tumatakbo papunta sa 'kin sa di kalayuan tumakbo rin si Clarke sa pwesto ko. "I'm sorry, miss. Ok ka lang ba? Saan ang masakit sa 'yo?" Napangiwi ako ng maramdaman ang bukol sa noo ko. Sa sobrang lakas ba naman kasi ng bola na tumama sa 'kin. Ang malas ko, sa dami nang pwedeng dapuan ng bola ay sa pwesto ko pa talaga. "I'm okay." Sabi ko na lang ngunit ang palad ko ay nasa noo pa rin. "You're not, halika dadalhin kita sa clinic." Akma niya akong hilahin patayo nang umiwas ako. No one can touch me, except my one and only love. Yung taken na lalaki na humangos sa harapan ko. "Are you all right?" May pag-aalalang bungad niya, pagkatapat sa harapan ko. "O-okay lang ako, bumalik na kayo do'n." "No! Lets go to the clinic." Hindi na ako nakapag protesta pa ng bigla niya akong hatakin patayo. Muntik pa akong matawa sa hitsura ng lalaki, nakatulala ito sa amin ni Clarke. "Oy! Sandali naman! Ok nga lang ako sabi!" "Oh my gosh! Kita niyo yun girls ang landi!" Mga buweset talaga. Kung kailan gusto ko silang harapin at komprontahin saka naman hindi pwede dahil sa isang 'to. Kung makahila parang nag-aagaw buhay ako. "Pretend you're a deaf." "H-ha?" "Huwag mo silang pansinin." "Bitawan mo kasi ako, kanina ka pa! Mamaya si Freya na ang makakita sa 'tin, kung ano pa isipin ng kaibigan ko." "Why? We're doing nothing wrong here. I just want to bring you to the clinic that's all. Mahal ako ni Freya gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Saka malawak ang pang-unawa nun, 'di ba dapat ikaw ang nakakaalam niyan? Mag best friend kayo since elementary." I rolled my eyes looking around. "Bukol lang ito, kuya!" Sarkastikong sagot ko. He chuckled. Sakto naman nasa tapat na kami ng clinic. Bakit ba hindi ako nagkalakas ng loob noon na aminin sa kanya ang totoo? Siguro kung lalaki ako, sobrang torpe ko. Baka tatanda na lamang akong mag-isa. Mahirap na masakit. Hindi naman kami nagtagal sa clinic. Binigyan ako ng ice pack, I-cold compress ko raw para mawala ang bukol. Pero itong lalaki sa tabi ko ay kulang na lang siya ang hahawak ng ice pack. Naglalakad kami sa foot walk nang biglang lumitaw si Freya mula sa library. Nakakunot ang noo nitong tumingin sa amin. Kumaway ako sa kanya, kunwari ay masayang-masaya. "Babe!" Tawag ni Clarke nang makita ito. At mabilis na tumakbo papunta sa kanya. Kasing bilis ng pagbitaw niya sa akin. Para lamang akong naunuod ng isang unfinished romantic movie, kung saan binubuhat ng lalaki ang babae at pinaikot-ikot habang nakapako ang mga mata sa isa't-isa. Napangiti ako habang iniinda ang kirot sa dibdib. It sting seeing them in that way. It feels like a knife stab me directly into the chest. "Bes, ano'ng nangyari sa 'yo?" Puna sa 'kin ni Freya. "Natamaan siya ng bola ng kasamahan ko, at kasalanan ko isinama ko kasi siya sa gym para manuod ng laro namin dahil wala ka." Agaw ni Clarke. Nakita ko ang bahagyang pag-ismid ni Freya ngunit agad din iyong nawala at napalitan ng matamis na ngiti. Humakbang pa ako palapit sa kanila. "Sige mauna na ako sa inyo bes, Clarke." "Ayaw mong sumabay sa amin, bes?" Umiling ako. "Hindi na, marami akong gagawin sa bahay." Si Clarke, hindi na ako magawang tapunan ng tingin dahil busy na ito sa pagyakap kay Freya. "Ganon ba? Sige bes, ingat ka, ha? Kita na lang tayo bukas. Text me kapag nakarating ka na sa inyo." "Yes, I will, bye!" Tumalikod na ako bago pa malaglag ang aking mga luha. How I wish pain doesn't exist. Ang saya na namin kanina, it's the first time na nakasama ko ng matagal-tagal si Clarke. Lagi kasing nasa best friend ko ang attention niya. I'm stupid! Syempre girlfriend niya yun! ... "Oh, nandito kana pala, tamang-tama may meryenda akong niluto." "Mano po, Mama. Si papa nandito na ba, 'Ma?" "Kaawaan ka ng Diyos, anak. Narito na ang papa mo. Nauna lang ng limang minuto sa 'yo." "Princess!" Lumapad ang ngiti ko pagkakita kay papa. Agad akong tumakbo at naglambitin ng yakap sa kanya. "Namimiss kita, Pa!" Natatawang sabi ko. "At ako, hindi mo namimiss ganoon ba?" Nagtatampong sabi ni mama. Tumawa naman nang malakas si papa, at ibinuka ang isang braso para kay mama. Kumalas ako kay papa at bumaling kay mama. "Mama, naman! Syempre dalawa kayo ni papa." Sabay yakap ko sa kanila. "Siya, tama na ang drama. Tara na, kumain na tayo ng meryenda." Masaya naming pinagsaluhan ang niluto ni mama na bake mac. Pareho naming favorite ni papa iyon, lalo na kapag sobrang dami ng cheese. Halos magpaligsahan pa kami sa tuwing kumakain. Sabi ko dati, I couldn't ask for more dahil ang pagmamahal lang ng pamilya ko ay sapat na but as time goes by inaasam na rin ng puso ko ang pagmamahal ng taong pag-aari na ng best friend ko. Magkakilala ang mga magulang ko at magulang ni Clarke dahil magkaklase sila noong college days nila. Lately, lang sila nagkita. Masayang-masaya ang mga ito nang malaman na iisang school lang kami ni Clarke. Gusto daw nila ako maging manugang. Deep inside of me, syempre gusto ko rin, kaso lang may iba ng humahawak sa puso ng anak nila. Mahirap ipilit ang isang bagay na hindi pwedeng mangyari. Ayokong makasira ng relasyon lalo na't parehong importante ang dalawang tao sa 'kin. I took a deep breathe. "Ang lalim, ah?" Napalingon ako kay papa. Nakatingin pala ito sa akin. Nandito ako ngayon sa terrace namin naka-upo sa de sesong upuan. Ang paborito ng mga magulang kong upuan. Nakatanaw ako sa papalubog na araw. "Papa, may tanong ako." "Go on, princess." "Bakit po mahirap magmahal. Noon po ba nahirapan din kayo ni mama?" "In love ka na talaga sa kanya?" Sa halip ay tanong niya. Ibinalik ko ang paningin sa labas. "It's hard not to fall for him, 'Pa. And it hurts like hell." He walked towards my direction. Umupo siya sa gilid ng upuan, inakbayan niya ako at hinaplos ng masuyo ang aking buhok. "Dahil lahat ng nagmamahal-" "Ay nasasaktan." Natatawang salo ko sa kanyang sasabihin. "Tama, at master mo na ang linyang 'yan." He laughed "Papa, naman! Syempre, palagi mong dinidikdik sa utak ko." "Mga bata pa naman kayo, malay mo balang araw makita ka niya bilang isang babae at hindi bilang kapatid." "Pero Papa, I have this feeling na seryoso siya kay Freya at halatang mahal na mahal niya ito. Ayokong masaktan ang isa man sa kanila." "Kaya ikaw ang magpaparaya?" I shrugged my shoulder. "That's the best thing I can do, Papa. Baka balang araw lilipas din 'tong nararamdaman ko kay Clarke." "No matter what happen, nandito lang kami ng mama mo. Tandaan mo 'yan, okay?" Ngumiti ako ng matamis. "Yes, pa. Thank you! Sana someday kung muli mang titibok ang puso ko sa panibagong lalaki gusto ko mag-kasing kapareho mo siya." "Kapag narinig ka ng mama mo, sasabihin na naman nun, nag-iisa lang ako at walang soft copy." Napahagikhik ako sa sinabi ni papa. "Kayong mag-ama, akala niyo hindi ko narinig ang pinag-usapan niyo? Hala, halina kayo at makapaghapunan na tayo." Humabol ako kay mama, kumapit ako sa braso niya habang tatawa-tawa. Si papa ay nakasunod sa amin na nakangiti rin. ... "Bes!" Napalingon ako kay Freya na tumatakbo pasalubong sa akin sa bungad ng campus. Maaliwalas ang mukha nitong nakangiti. Parang nanalo sa loto ang mukha niya. "Kailangan talagang tumakbo?" "I just can't wait to tell you the good news!" I raised an eyebrows thinking. "What's good news?" "Look!" She raised her fingers happily. Napansin ko kaagad ang isang diamond ring sa kanyang palasingsingan. "He proposed to me, bes! Omg! I really can't believe!" She said in exaggerated tone. "Who?" Kahit alam ko na ang sagot ay gusto ko pa ring makasigurado. Tanga lang 'di ba? Umismid ito sa tanong ko. Kapagkuwan ay ngumiti ng malawak. "Who else do you think? Syempre ang nag-iisang MVP ng basketball team. Clarke Jameson Altamonte!" "Oh, congratulations, then." Pilit kong pinasaya ang boses ko kahit ang totoo ay gusto ko nang pumiyok, "I'm happy for you, bes. So kailan ang kasal?" Kahit sobrang sakit ay nagawa ko pa ring itanong. "Hmm, sabi niya after our graduation. So 2 years from now, ay magiging Mrs. Clarke Jameson Altamonte na ako." She happily said. Sana ako na lang ang nasa pwesto ni Freya. Alam kong masama ang mainggit, hindi ko lang talaga mapigilan. I sighed. "Magpapakasal kayo agad pagka-graduate natin?" "Yes! Tara, ililibre kita." Ikinawit niya ang braso sa akin, "wala pa naman si prof." "Kailan nag-propose si Clarke?" "Kahapon lang, I thought na magdi-dinner lang kami but it turns out na may surprise pala siya sa 'kin." Pumasok kami sa canteen, pinili namin ang paboritong pwesto sa dulo kung saan malayang mapagmasdan ang malawak na field ng campus. "Ang swerte mo naman, bes. Hindi tulad ko." Ipinatong ni Freya ang kamay sa ibabaw ng kamay ko. "Ano ka ba! Huwag ka ngang madrama diyan. Darating din ang para sa 'yo, bes. Saka, ikaw naman ang maid of honor sa kasal namin, kaya huwag kana malungkot. Malay mo naman, paparating na pala ang Prince charming mo." Ngumiti na lamang ako kay Freya. Dumating na ang Prince charming ko kaso hindi siya sa 'kin nakalaan kundi para sa'yo. Gusto ko sanang isatinig. "So, what do you want to eat? My treat." "Ice cream at french fries na lang, bes. Thanks." She rolled around her eyes. "As usual, isasawsaw mo na naman ang fries sa ice cream." Kimi akong ngumiti at tumango. "What else? Ang aga mo naman mag-ice cream." "Alam mo naman na breakfast ko minsan ang ice cream, huwag kana magtaka diyan. Yun lang ang akin, bes. Sige na, bilis bili kana do'n." "Oo na! Para namang naglilihi." Natatawang wika niya sabay talikod sa akin. Laglag ang aking mga balikat na sinundan siya ng tingin. Maya-maya ay abala na ito sa pagkalikot ng phone habang naghihintay ng order. I wonder how she can manage to accept Clarke's proposal knowing that she was secretly seeing someone else. Gusto ko sya'ng komprontahin. Paano nito nagawang maging masaya gayong pinaglalaruan niya ang dalawang lalaki? Paano niya naatim na tanggapin ang proposal ni Clarke gayong nakikipagyakapan siya sa iba? But then, who I am to interfere her private life? Wala, dahil best friend niya lamang ako na inagawan niya ng atensyon sa lalaking mahal ko pero wala naman sya'ng kasalanan dahil si Clarke mismo ay mahal na mahal siya. I should have move on and live my own life. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD