Episode 19: Coming back to you,My Love

529 Words
 “Simula nang kinasal sila,tumira sila sa penthouse ni Sir Hans,pero parang mas madalas pa dito si Sir kesa sa penthouse.. mabuti nga ay nagdivorce na sila, alam ko namang hindi talaga mahal ni sir Hans iyon.”  Napalingon ako kay Ms. Lidya at parang bilang nabingi, gusto kong klaruhin ang huli nyang sinabi.  “H-ha?.. ano pong ibig nyong sabihin?” Sambit ko.  Ngumiti sya sa akin bago sumagot. “Divorce na sila Sir Hans at Ms. Cindy.. kaya wala ka nang dapat pang ipagalala.” Nakangisi ito at nanliliit ang mata sa akin, nahiya ako kaya tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain. Pagkatapos kong kumain, pumunta ako sa kwarto kung nasaan ang mga paintings ko,katulad ng sinabi ni Ms. Lidya walang pinagbago ang buong silid,napangiti ako nang makita ko ang mga paintings na naiwan ko.  Lumapit ako sa glass window at nakatingin sa malayo, malalim ang iniisip. Aaminin ko,mahal na mahal ko parin hanggang ngayon si Hans, wala paring nagbabago sa nararamdaman ko kahit lumipas pa ang panahon, natatakot ako.  Natatakot ako na muling sumugal para sa aming dalawa at matalo lang muli sa bandang huli,ayoko nang masaktan, ayoko nang muling maramdaman ang sakit na halos pumatay sa akin. Hindi ko na namalayan pa ang oras at napaigtad ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran ko, si Hans.  Hindi ko sya naramdaman na pumasok sa silid dahil sa lalim nang iniisip ko.  “What are you doing here?” Tanong nito,habang nakapulupot sa bewang ko ang braso at nakasandal sa balikat ko ang baba nya.  “Napagisipan mo naba yung sinabi ko?” Sambit ko,habang nakatingin sa kanya, kumawala sya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako sa kanya, mukang pagod sya.  Kitang kita ko ang pagod sa mga mata nya, “Elise, Charles need to pay for his crimes, alam kong sya lang ang nandyan para sayo, habang wala ako. Pero, sya ang dahilan kung bakit muntikan nang magsara ang Zhuo.. I have thousands of employees,Elise. Kung hindi.. kung hindi ako nagpakasal kay Cindy noon, libo libo ang mawawalan sana ng trabaho nang dahil sa kagagawan ni Charles. I hope you’ll understand.”  Tugon nito, napayuko ako at nalungkot sa sinabi nito. “Charles has many connections, sigurado ako na makakahanap sya ng magaling na abogado.” Dugtong nito.  Niyakap nya ako at hinaplos ang buhok ko.  “I missed you,I really do, Irene. Hindi na ako papayag na mawala ka pa sa’kin" Bulong nito sa tenga ko,ramdam ko ang mainit nyang hininga sa akin leeg na syang nagpapabilis ng t***k ng puso ko, parang may kung anong kuryente ang dumadaloy sa aking katawan, ngayon ko nalang muling naramdaman ang ganito kainit na yakap mula sa kanya, parang akong nadadala at niyakap narin sya ng mahigpit.  Nakatitig lang sya sa akin habang hawak nya ang mga kamay ko, nangingilid ang luha sa mga mata ko. Alam ko, na kahit ano pang gawin ko ay hinding hindi ko sya matitiis.  Ngunit puno ng pangamba ang puso ko, ayokong magkawalay kaming muli,  "Hans, I love you.. I really do." Habang nakadampi ang palad  ko sa kanyang  pisngi. Isang matamis na ngiti ang kanyang tinugon.  "I love you Elise, thank you for giving me another chance, i won't let you go." Lumandas ang luha sa aking pisngi at isang mainit na halik ang aking naramdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD