BS #4 TP C7 KATYA POV Nag-angat ako ng aking nang marinig ang kanyang mga yapak na papalayo sa akin. Hindi naman ako bobo para hindi maintindihan kung ano ang ikinagagalit niya. Alam ko na takot siya na baka mabuntis niya ako. Dahan-dahan akong humiga dahil masakit na talaga ang katawan ko. Gustong-gusto kona muna ang magpahinga. Habang nakatingin ako sa kama ni Sir Nico ay hindi ko maiwasan na muli na naman akong maiyak. Buong buhay ko kasi ay puro paghihirap nalang ang naranasan ko. Simula nang ipinanganak ako ay itinakwil na ako ng sarili kong ina. Bakit ba kasi hindi nalang niya ako pinalaglag kung ayaw niya sa akin? Pinunasan ko ang aking mga luha habang hindi ko mapigilan na mapahikbi. Mabilis ko namang tinakpan ang aking bibig ng marinig ko ang tunog ng bakal na pinto. Tin

