BS#4 TP C16 KATYA POV Tumingin ako sa kanya, Habang papalapit siya sa amin. “Wala bang sasagot sa tanong ko?” Malakas namang kumakabog ang aking dibdib habang tumingin siya sa akin. “You!” Asik niya habang tiningnan ako. “D-dinalhan ko lang ng mga karton sila Boss… Para hindi malamigan ang bata.” Nagyuko ako ng aking mukha habang nakikinig lang sa kanila. “‘Yon lang ba?” Dahan-dahan akong napatingin sa kanila dahil sa muling tanong ni Sir Nico. “B-Boss… S-sinabi ko kasi sa kanya na aampunin ko nalang sana ang anak niya, Dahil kawawa naman dito ang bata.” “H-Hindi naman siya kawawa… N-nandito naman kasi ako… Aalagaan ko naman ang anak ko…Kaya ko naman siyang alagaan k-kahit may kadena pa ang mga paa ko…” Iyak kong wika habang niyakap ng mahigpit si Kevin, Baka kasi bigla nalang pa

