Chapter 5

1189 Words
BS #4 TP C5 KATYA POV Naalimpungatan ako nang marinig ko ang pagbubukas ng pinto. maingay kasi ito dahil bakal. Inaninag ko naman ang isang lalaki na papasok at papalapit sa akin. pero malayo pa lang siya ay naamoy kona ang kanyang pabango. “Sir Nico..” Mahinang sambit ko. “Why are you still awake? may balak ka bang tumakas?” Napadaing ako dahil sa mahigpit na paghawak niya sa aking braso. “W-wala po Sir…” Sagot ko sa kanya habang hinawakan ko ang kanyang kamay na mahigpit pa ring nakahawak sa akin. “W-wala po akong balak na tumakas… alam ko naman po na hindi po ako makakatakas dito… hindi ko rin po kayang tanggalin ang mga kadena na nasa aking paa.” Naiiyak kong sagot sa kanya. mukha kasing nakalimutan niya na may kadena siyang nilagay sa paa ko. mabuti na nga lang at tinanggal na niya ang kadena sa aking mga kamay. “Then? why are you still awake?” Muli niyang tanong habang tinulak ako. “N-nagising po ako sa pagbubukas ng pinto.” Kita ko ang pag-ngisi niya dahil sa sinabi ko kaya, hindi ko maiwasan na mas lalong kabahan pa, baka kasi bugbugin na naman niya ako. “Anong akala mo sa akin? tanga?” “S-Sir, totoo po talaga ang sinabi ko sa inyo…. tulog po ako kanina nagising lan-.” Napabaling ang aking mukha ng malakas niya akong sampalin sa aking pisngi. “Do you think… maniniwala ako sa ‘yo? i know that you are lier!!” Umiling ako sa kanya habang sumiksik sa pader. nanginginig na rin ang aking katawan dahil sa takot. “T-totoo po ‘yong sinabi ko sa inyo Sir Nico…” Iyak kong sagot habang panay ang ginawa kong pag-atras. “Totoo?” “Ahhh!!” Malakas akong napahiyaw ng bigla niya akong tadyakan sa aking mga paa. “P-parang-awa mo na po… Sir Nico… tama na po…” Iyak kong pagmamakaawa sa kanya. “Awa? bakit? naawa ka ba kay Caleb?” Nag-angat ako ng mukha at tumingin sa kanya. “Kung gusto mong kaawaan kita! sabihin mo sa akin kung nasa’n si Jezz!!!” “W-wala na po akong alam sa kanya Sir… sinabi ko na po kay Sir Caleb kung nasa’n si Ma’am Jezz…” Muling napabaling ang aking mukha ng sampalin niya ako ng malakas. Bigla nalang din nag-dilim ang aking paningin dahil sa lakas ng pagsampal ni Sir Nico sa akin. “T-tama na po Sir..” “Tama?! sa tingin mo ba maawa ako sa ‘yo?!” “Ahhh!!!” Muli akong napadaing ng muli niya akong tadyakan. “Kung ako sa ‘yo! ituro mo na sa akin kung nasaan si Jezz!!” “H-hind-.” Hindi ko na-ituloy ang sasabihin ko nang bigla niya nalang hawakan ang aking buhok at hinila pataas. Namilipit ako sa sakit dahil sa ginawa ni Sir Nico sa akin. “P-patayin mo nalang ako Sir…” Hikbing wika ko habang unti-unti akong kinain Ng kadiliman. Naalimpungatan ako at napatingin sa paligin. Nagising kasi ako dahil sa lamig na naramdaman ko. Ngayon ko lang din naalala ang nangyari kanina. Napatingin ako sa paligid at mukhang wala na si Sir Nico. Kahit hirap akong tumayo ay pinipilit ko pa rin na gumapang para makapunta ako sa higaan ko na may karton. Ilang minuto rin ang lumipas at narating ko ang higaan ko. Sobrang nahihirapan akong gumapang dahil sa sakit ng aking katawan at nabibigatan din ako sa kadena na nasa aking mga paa. Napapitlag ako ng marinig ko ang tunog ng bakal na pinto. Takot kasi ako dahil baka si Sir Nico na Naman ito at saktan na naman niya ako. “Ito na ang pagkain mo. Kumain kana.” Aniya habang binaba ang tray na dala niya. “Kumain kana. Bago magbago pa ang isip ni Boss at kukunin ‘yang pagkain mo.” Nag-angat ako ng aking mukha at tumingin sa kanya. “A-anong oras na?” Mahina kong tanong sa kanya dahil hindi ko alam kung gabi ba o umaga. “Alas onse na ng umaga. Bakit? anong binabalak mo? Baka balak mong takasan kami?” Mabilis naman akong umiling sa kanya, dahil mali siya ng akala. “H-hindi…. Hindi ako tatakas… parang-awa mona…. ‘wag mong sabihin ‘yan kay Sir Nico…. dahil wala akong balak na tumakas….” Iyak kong pagmamakaawa sa kanya. Baka kasi makarating na naman ito kay Sir at saktan na naman niya ako. “Madali naman akong kausap.” Ngisi niyang wika kaya Hindi ko maiwasan na kabahan. Itsura niya pa lang kasi ay manyakis na. “Kung ano man ‘yang nasa utak mo! ‘wag mo nang ituloy! dahil isusumbong kita Kay Sir Nico!!” Sigaw ko sa kanya at hindi pinapakita na takot ako. Baka kasi kung mahalata niyang takot ako sa kanya ay lalo lamang niya akong mamanyakin. Kita ko naman sa mukha niya ang takot habang mabilis akong tinalikuran. Malalim akong Napahinga habang napatingin sa pinto na sinarado ng lalaki. “Makakalabas ka kaya sa pinto na ‘yan Katya? makakita ka pa kaya ng liwanag ng araw?” Iyak kong wika sa aking sarili. Pinunasan ko ang aking mga luha at nag-umpisa na akong kumain. Wala naman kasing mangyayari kung iiyak lang ako, dahil alam ko na walang makatulong sa akin. Wala rin naman akong kamag-anak na maghahanap ss akin. Muli kong pinunasan aking aking mga luha nang muli kong malala na mag-isa lang ako. Matapos akong kumain ay dahan-dahan akong tumayo para hugasan sa banyo ang pinag-kainan ko. Habang nasa banyo ako ay muli akong napapitlag ng narinig kong muli ang pagbukas ng pinto. Malakas akong kinabahan dahil baka ito na naman ‘yong lalaki kanina. “What are you doing there?” Lalong lumakas ang kaba sa aking dibdib ng marinig ko ang boses niya. “N-naghuhugas….” Mahina kong sagot sa kanya. Narinig ko ang kanyang mga yapak na papalapit sa akin kaya humarap ako sa kanya. “Naligo kana ba?” Agad akong umiling dahil hindi pa naman ako naliligo. Napatingin ako sa kanya at nakitang nakatitig lamang siya sa akin, kaya mabilis akong nag-yuko. Hindi na siya kumibong muli at tinalikuran ako. Ano kaya ang ginagawa niya na naman dito? bakit kaya mukhang hindi siya busy at laging nandito? Matapos kung hugasan ang pinagkainan ko ay muli akong bumalik sa aking higaan. Gusto ko kasing humiga ulit dahil sa sakit ng katawan ko. Isa pa ang dami ko ring pasa sa aking katawan. Pero hindi ko mapigilan na magulat dahil nandito pa rin pala si Sir Nico. Hindi na sana ako tutuloy pero tumingin na siya sa akin. “Why didn't you take a bath?” Singhal niya sa akin habang tumayo. “S-Sir… Masakit pa po kasi ang katawan ko….k-kaya hindi po ako naliligo..” Napapitlag ako ng malakas niyang hampasin ang kanyang kama. “Kapag sinabi kong maligo ka. Maligo ka! naintindihan mo ba?!” Mabilis akong tumango sa kanya habang agad kong tinungo ang banyo. Ayoko kasi sana na maligo dahil nilalamig ako at masakit Ang katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD