I am looking at the mirror, holding a sharp scissor and trying to imagine what would happen next. Pinag isipan ko na 'tong mabuti, at hinding hindi ko pagsisisihan ang gagawin kong 'to. Itinaas ko ang kamay ko at tinutok sa leeg ko ang gunting. "Oh my god! Loui don't do that! Killing yourself is a sin!!" Nagulat ako ng dumating si Lola, mabuti at hindi ko natusok ang sarili kong leeg dahil kung hindi ay malamang natigok na ako. "Mamita! You should knock!" "Anong knock?! Kung hindi pa ako dumating baka nagpakamatay kana! Loui, I know love is complicated pero wag ka naman sanang humantong pa sa ganito!! You have me apo, I love you so much!" Naiiyak na si Lola dahil sa mga pinagsasabi nya. Napangiti naman ako at niyakap sya. "I love you too. Na-touch po ako sa sinabi nyo pero hindi nama

