After that day kumalat na ang balita tungkol kay Sierra at Caspian. Even sa newspapers at sa t.v, maraming nagtatanong kung ano ng nangyari samin. Naging linya ko na sa lahat ang 'we broke up, but we're still friends' kapag inuusisa nila ako Two days na ang nakalipas pero hindi kami masyado nagkakausap ni Caspian, mamaya na ang re-sched public performance nila sa plaza kaya busy sila para sa preparation. Hindi ko alam kung makakapunta pa ako. Dahil panigurado na nandoon si Sierra. "Hindi ko talaga maintindihan. Bakit nagkabalikan pa sila?! And Sierra stole your name! Wala ka ba talagang gagawin Loui ha?!" Inis na saad ni Kate sakin. Nasa room kaming dalawa, hindi pumasok ang ilan naming classmate dahil a-attend sila ng performance ng Lovesickers. Kaya wala tuloy na pumasok na teacher

