Mariana's Pov Kinaumagahan, Maaga akong ginising Maid ni Zekiel. "Hinintay na po kayo ni master Zekiel. Nakahanda na po ang agahan." "Ang aga niyo namang kumain. Inaantok pa ako.." "Maaga pong umaalis si Master Zekiel. Sa company na ang pasok niya. Ngayon lang po siya kakain dito dahil nandito po kayo." Ngayon lang? Ibig sabihin, dumideretso na agad siya sa trabaho ng hindi nag-aagahan? Seryoso talaga siya sa trabaho niya. Bumangon na ako at nakakahiya sa lalakeng iyon kung paghihintayin ko siya. Pumunta ako sa banyo at nag-ayos. Kakahiya kung bruha akong haharap sa kanya. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko. Bumungad sakin ang mahabang mesa. Pinaupo ako doon sa dulo ng mesa at sa kabilang dulo naman si Zekiel. Ang haba ng mesa pero dulo-dulo ang upo namin tapos kaming dalaw

