THERESA
"Gusto mo bang magkape, Lara?" tanong ni Blake na siyang pumutol sa katahimikan naming dalawa.
"Ang aga naman n'yan, Blake."
Alas-tres pa lang ng madaling araw, tapos mukhang gusto na niyang kumain ng almusal.
"Malamig kasi ang klima dito sa amin sa probinsya, kaya masarap rin magkape kapag ganitong umuulan," agad na paliwanag ni Blake.
It makes sense nga naman, lalo na at malamig talaga dito sa probinsya nila.
"Kapag uminom tayo ng kape, hindi na tayo makakatulog n'yan, Blake."
Sanay naman akong mapuyat, pero kailangan kong makatulog ng maayos dahil masakit pa ang ulo ko.
"Lintik!"
Kasabay ng pagkawala ng liwanag ay narinig ko ang malakas na tinig ni Blake nang biglang namatay ang ilaw.
"Ang dilim," mahinang usal ko dahil nawalan ng kuryente.
"Sandali, d'yan ka muna, Lara. Maghahanap lang ako ng kandila," paalam ni Blake.
"Sige."
Hindi ko alam kung lumabas na siya dito sa silid dahil wala akong narinig na ingay o kaluskos mula sa kaniya. Mas nangingibabaw ang malakas na paghampas ng hangin sa bubong ng bahay na para bang galit ito, kaya kinakalampag kami dito sa loob.
Hinanap ng kamay ko ang cellphone sa tabi ko, pero napabuga na lang ako ng hangin nang makitang seven percent na lang pala ang battery na natira at hindi ako nakapag-charge kanina.
Mabuti na lang at puwede pa palang magamit ang flashlight ng cellphone ko. Binuksan ko ito at tumayo para lumabas ng silid.
"Okay ka lang ba, Lara?" tanong agad ni Blake nang makita akong lumabas ng silid.
"Oo, heto, gamitin mo muna ang cellphone ko para makita mo ang hinahanap mo," sagot ko at humakbang palapit sa kaniya.
"Sorry, naubos na pala ang naitabi kong kandila, kaya wala tayong magagamit ngayon, Lara," sagot ni Blake nang lumingon sa akin.
"How about your phone, Blake?"
"Na-low-bat na, Lara. Hindi ko rin nai-charge kagabi nang dumating tayo kasi naiwan ko sa presinto ang charger," tila nahihiyang sagot ni Blake
Ito ang hassle sa iPhone. Maganda nga at sosyal tingnan at gamitin, pero mabilis namang maubos ang battery.
Now what? Malapit na ring maubos ang battery ng aking cellphone. Kulay pula na sa screen ang battery icon, katunayan na ilang minuto na lang ay siguradong mamamatay na rin ang flashlight nito.
"Okay lang ba na matulog ka na walang ilaw, Lara?"
Ramdam kong nahihiya si Blake sa akin dahil ganito ang nangyari, tapos may bisitang nakituloy sa bahay niya, kaya ngumiti ako sa kaniya.
“Oo naman. Walang problema sa akin kahit walang kuryente basta may bahay akong matutuluyan dito sa inyo.”
Masakit ang ulo ko, pero hindi naman na ako inaantok. Nakababagot nga lang na maupo sa isang sulok na madilim at walang ginagawa habang nagpapalipas ng oras, lalo na't hindi ako sanay na walang ilaw at kuryente sa bahay.
“Kung gusto mong bumalik sa loob ng silid—”
"Don't worry, I'm fine. Ayos lang ako," agad kong sagot dahil alam kong nahihiya sa akin si Blake.
Hindi sumagot si Blake, kaya nag-angat ako ng aking mukha at bumaling sa kaniya, bagay na pinagsisihan ko dahil nagtama ang mga mata naming dalawa. Ewan kung ano ang nangyari dahil para bang bigla akong nahipnotismo at natigilan habang nakatitig ang mapungay niyang mga mata sa mukha ko.
Malamlam ang liwanag galing sa cellphone na hawak ko, at madilim rin ang paligid, kaya hindi ko mabasa kung ano ang ibig ipahiwatig ng mga titig ni Blake at kung bakit siya nakatitig sa akin na para bang pinag-aaralan niya ang bawat sulok ng mukha ko.
"Ang ganda mo, Lara," mahinang sabi niya, pero sapat para marinig ko, kaya napalunok ako.
Alam kong maganda ako. Normal na sa akin ang makarinig ng ganitong komplement mula sa ibang tao, pero bakit kakaiba ang nararamdaman ko nang sabihin ito ni Blake?
"May boyfriend ka ba ngayon, Lara?"
"Bakit mo tinatanong?"
Ngumiti si Blake, pero hindi siya nagbawi ng tingin at nanatiling nakatitig sa mukha ko.
“Gusto ko lang malaman,” sabi niya sa akin.
Napakurap ako kasabay ng biglang pagpintig ng malakas ng aking puso.
"Wala," maikli at tipid na sagot ko.
Sa gitna ng malamlam na liwanag, nakita kong sumilay ang ngiti sa labi ng lalaking kaharap ko.
"Puwede ba akong manligaw sa iyo kung papayag ka, Lara?" tila nahihiya pang tanong niya sa akin.
Nangunot ang aking noo habang pinoproseso ko sa aking isipan ang ibig niyang sabihin.
"Manligaw?" tanong ko kay Blake.
“Oo,” sagot niya. “Iyon ay kung papayag ka.”
Biglang nag-init ang aking magkabilang pisngi. Hindi ko kayang salubungin ang kaniyang mga titig, kaya nag-iwas ako ng tingin at binaling ang aking paningin sa ibang bahagi ng sala.
I don't know what exactly he's trying to imply, pero hindi ako fan ng ligawan. Maybe dito sa probinsya, ganyan ang gawain nila, pero moderno akong babae, and I don't think na okay ako sa ganyang setup, which I believe is weird, dahil bakit kailangan pa ng ganyan, kung gusto naman nila ang bawat isa?
"Look, I don't think na interesado ako sa ligawan na ganyan, Blake. Hindi na tayo mga bata at teenager. We're both matured na. Maybe getting to know each other puwede pa, pero hindi na natin kailangan ang ligawan stage na ganyan," mahabang sagot ko kasabay ng pagkumpas ng kamay sa hangin.
"Okay," tipid na sagot ni Blake at masayang ngumiti sa akin. "Paano ba ang getting to know each other na gusto mo, dating ba?”
Nawindang ako sa tanong niya. Kakaiba siya sa mga lalaking nakilala ko sa abroad na ang gusto agad ay s*x at one-night stand.
"Hindi rin ako nakikipag-date," walang paligoy-ligoy na sagot ko.
Kumamot sa batok si Blake. Sandali siyang natigilan at tila ba nahihiya at nag-iisip kung paano ako kakausapin.
Nagtaas ako ng mukha at muli ko siyang tiningnan ng diretso sa mga mata. "May gusto ka ba talaga sa akin, Blake?"
Napalunok naman ang lalaking kaharap ko at tila hindi malaman ang gagawin dahil sa narinig na tanong ko.
"Ah, Lara, magagalit ka ba kung sasabihin ko na gusto kita simula nang makita kita sa baryo kasama si Agatha?" tanong ni Blake sa akin.
"No," mabilis kong sagot. "Alam kong maganda ako, kaya normal lang na may lalaking magkagusto sa akin gaya mo."
Muling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Blake, hanggang tuluyang naubos ang baterya ng cellphone ko at namatay ang ilaw. Ang dilim tuloy, kaya napatayo ako ng tuwid dahil wala talaga akong makita.
Malakas na singhap ang kumawala sa labi ko nang naramdaman kong hinawakan ni Blake ang kanang braso ko.
"Ihahatid na kita sa loob ng silid para makapagpahinga ka na, Lara."
"Okay," maikling sagot ko at marahang humakbang kasabay si Blake.
Maingat ang bawat hakbang ko dahil hindi ako pamilyar sa loob ng bahay ni Blake. Nangangapa ako sa dilim habang dahan-dahang iginigiya ng kasama ko pabalik sa silid na tinutuluyan ko.
"Ouch!" impit na daing ko ng bumangga ang braso ko sa matigas na bagay.
Muntik akong matumba dahil bigla akong nawalan ng balanse, pero mabilis niya akong nakabig sa bewang at umikot ang braso niya sa aking balikat.
"Sorry," bulong ni Blake. “Natisod ka ba?”
“Hindi,” kinakabahan na sagot ko. “Tumama yata ang braso ko sa dingding.”
Kahit madilim, nanlaki ang mga mata ko nang biglang umangat ang paa ko sa sahig. Binuhat pala niya ako at maingat na naglakad si Blake papasok sa kaniyang silid.
Kahit madilim, nahanap niya ang kama at inilapag ako sa ibabaw nito.
"Magpahinga ka muna dito, Lara. Ilang oras pa bago magliwanag at mas natatagalan ngayon dahil umuulan," mahinang sabi ni Blake sa akin, pero hindi pa rin niya inaalis ang nakapulupot na braso sa katawan ko.
"Thank you, Blake."
Wala na akong narinig mula kay Blake, pero malinaw na naririnig ko ang mabilis na pintig ng kaniyang puso na sinabayan ng marahas na paghinga.
Malakas ang kabog ng dibdib ko. Para bang nagwawala ang puso ko habang magkadikit ang aming mga katawan at nararamdaman ko ang init ng kaniyang balat.
Madilim ang buong kabahayan at wala akong makitang kahit ano, pero ramdam ko kung paano biglang lumapat sa labi ko ang mainit na mga labi ni Blake, at pagkatapos ay marahan niya itong sinipsip, kaya napaungol ako.
Walang kahit anong usapan ang namagitan sa aming dalawa. Basta na lang akong hinalikan ni Blake habang nakapulupot pa sa leeg niya ang braso ko. Parang may sariling isip na bumuka ang mga labi ko at hinayaan ko siyang halikan ako at galugarin ng dila niya ang loob ng bibig ko.
Hindi rin ako tumutol nang naramdaman kong gumalaw siya at biglang pumatong sa ibabaw ko habang naghahalikan kami at niyakap niya ako.
Bawat sensual na hagod ng dila niya sa aking mga labi ay napapaungol ako. Maingat ito, mabagal na para bang dinadama niya ang lambot at tamis ng mga labi ko.
Hindi ganito ang karaniwang nararamdaman ko sa isang lalaki, lalo na kung one-night stand lang at kailangan sa trabaho. Mabagal, pero sensual na hinahalikan ako ni Blake sa labi at leeg. Sandali niyang pinakawalan ang mga labi ko, pero segundo lang lumipas ay muli niyang binalikan at siniil ng mas maalab na halik.
I admit, nag-iinit ang katawan ko sa bawat halik niya at sensual na paghaplos ng mga kamay sa balat ko. Naging pangahas na rin ang aking mga braso. Niyakap ko na rin siya sa balikat at nangunyapit habang ang mainit na labi ni Blake ay naglalandas sa leeg ko.
Impit na ungol ang umalpas sa labi ko nang idiin niya ang sarili sa ibabang bahagi ng katawan ko. Nag-init ang pakiramdam ko at hindi ko pinigilan si Blake nang hubarin niya ang suot kong damit na pantulog.
“Ang bango mo, Lara,” bulong niya sa akin. “Nakakagigil ka.”
Hindi na ako nakasagot dahil muli niyang sinunggaban ang labi ko at mapangahas na siniil ng halik. Natukso na rin ako at tuluyang nag-init dulot ng katawan ko nang mabilis siyang gumapang pababa sa aking katawan at walang pagdadalawang-isip na ipinasok sa bibig ang korona ng kanang dibdib ko.
Napaigtad at napaliyad ang likod ko nang kagatin niya ito, at pagkatapos ay muling sinunggaban at gigil na sinipsip na tila ba nagugutom siya at naghahanap ng gatas.
Hinayaan ko siya nang hatakin niya pababa ang pajamang suot ko, at sa isang iglap ay hubad na akong nakahiga sa ibabaw ng kama dito sa loob ng silid ni Blake at pinanggigigilan niya.
Hinayaan ko siya nang hatakin pababa ang pajamang suot ko, at sa isang iglap ay hubad na akong nakahiga sa ibabaw ng kama dito sa loob ng silid ni Blake at pinanggigigilan niya.
Hindi ako inosente at alam ko kung ano ang maaaring mangyari sa aming dalawa, pero ito ang unang pagkakataon na hinayaan ko ang isang tao na hubaran ako ng walang pag-aalinlangan. Wala rin akong narinig na kahit ano mula sa kaniya nang hatakin ko ang t-shirt na suot niya pataas sa kaniyang ulo at hinubaran ko siya.
"Blake," mahinang tawag ko sa pangalan niya nang maramdaman kong gumapang ang kamay niya pababa sa pagitan ng mga hita ko at marahang hinaplos ang natagpuang hiyas ko.
"Kung anuman ang mangyari sa atin ngayon, pananagutan ko, bukas na bukas din, Lara," mahinang bulong ni Blake malapit sa punong tainga ko.
Hindi ako nakasagot habang nakapikit at dinadama ang masarap na sensasyong dulot ng sensual na paglandas ng palad at labi ni Blake sa bawat bahagi ng katawan ko.
Namalayan ko na lang na nasa ibabaw ko na ulit siya at gamit ang tuhod, mabilis niyang pinaghiwalay ang mga binti ko.
This time, alam kong gaya ko, wala na rin siyang kahit anong saplot sa katawan dahil nararamdaman ko ang matigas at malaki niyang alaga habang bumubundol ito sa bungad ng hiyas ko, at alam kong handa na ito para pasukin ako.
Walang pag-aalinlangan niyang ibinaon ito sa loob ko, dahilan para kumawala ang malakas na ungol na kanina ko pa pinipigilan. Kasabay ng malakas na buhos ng ulan, kulog, at kidlat ay ang malalakas na ungol at daing namin ni Blake dito sa loob ng kaniyang silid habang nakapatong siya sa ibabaw ko, yakap ako ng mahigpit at marahas na bumabayo.