đź“— Chapter 13

2593 Words
THERESA Pumasok sa pintuan ang tatlong lalaki. Nakita ko na ang dalawa sa kanila dahil sila ang mga pulis na pumunta dito sa bahay ni Blake kahapon. "Magandang araw, attorney," bati agad sa akin ng mga pulis. Tipid na ngumiti ako sa kanila. Tumabi sa akin si Blake at walang pakialam na ginagap ang kamay ko at pinagsalikop ang aming mga palad sa harap ng kaniyang mga kasamahan. Napatingin ako sa kaniya, pero nanatiling pormal ang kaniyang ekspresyon habang kaharap ang kaniyang mga kasamahan sa trabaho. Nag-init tuloy ang aking magkabilang pisngi dahil lahat sila ay napatingin sa magkahugpong naming mga kamay. Tapos, suot ko pa ang kaniyang damit, kaya alam ko kung ano ang iniisip nila ngayon habang nakatingin silang lahat sa amin. “Bakit pumunta kayo dito?” tanong ni Blake sa kaniyang mga katrabahong pulis. "Si Mayor Rosales, sir, nasabit sa gulo,” sagot ng isa sa mga pulis na pumunta dito sa bahay niya kahapon. “Anong gulo?” Mukhang wala pang ideya si Blake tungkol dito, kaya nagtanong siya sa kaniyang mga kasamahan. “Lumabas sa balita kanina ang mga masasamang gawain niya. Huling-huli sa akto, pati na rin ang tungkol sa pambabae niya nang inuwi niya sa townhouse ang babae niya, kaya nagkakagulo ngayon sa munisipyo, sir," paliwanag ng isa pang pulis. Ito ang balitang hinihintay ko, kaya kahit gusto kong pumasok sana sa loob ng silid ni Blake, pinili ko ang manatili sa tabi niya para makinig sa usapan nila. "Anong balita kay Mayor Rosales ngayon?" tanong ni Blake sa kaniyang mga kasamahang pulis. "Hindi pa siya pumupunta sa munisipyo, pero under investigation na,” sagot ng pulis na maingay kahapon nang pumunta sila dito sa bahay ni Blake para uminom ng kape. “Sangkot sa maraming kaso ngayon si Mayor, at kapag nadiin siya, siguradong maaalis sa pwesto at makukulong pa," sabi rin ng isa pang pulis. Tahimik na nakikinig si Blake sa mga sinasabi ng kaniyang mga kasamahang pulis, kaya hindi ako umalis sa tabi niya at tahimik na nakikinig. "Kung may lumabas na mga ebidensya at mapatunayan na may kasalanan si Mayor Rosales, dapat siyang makulong,” komento ni Blake. “Alam naman nating lahat kung paano niya patakbuhin ang bayang ito. Sadyang malakas lang talaga ang kapit niya sa kapitolyo at kay Gobernador, kaya protektado siya at walang lumalabas na baho." Lihim akong napangiti nang marinig ko ang sinabi ni Blake. Maging siya ay may alam sa kalakaran dito at hindi siya supporter ng ganitong maruming pamahalaan. Patunay ito na mabuti siyang pulis at hindi katulad ng mga walang-hiyang pulis na gumagawa ng krimen gamit ang kanilang uniporme. Napailing ang isa pang pulis. "Alam nating hindi papayag si Mayor na madungisan ang kaniyang pangalan. Ito ang unang pagkakataon na may naglabas ng baho niya, Blake, kaya siguradong may malaking tao ang nasa likod ng pagkakabunyag nito.” Tumango-tango naman ang isa pang pulis. “Mukhang ito na ang simula ng pagbagsak ni Mayor Rosales.” “Sino kaya ang may kagagawan niyan?” tanong rin ng isa pa. “Iyan nga rin ang ipinagtataka ko, P01. Kahit ang mga matataas na pulis at opisyal dito sa probinsya ay hawak niya at walang may lakas ng loob na mag-imbestiga sa kaniya, kaya alam natin na kagagawan iyan ng kalaban ni Mayor Rosales.” "Baka tanim ng kalaban ni Mayor ang babaeng nakilala raw niya sa bar kagabi at nakasama niyang humithit ng droga magdamag,” sagot ng pulis na may nakasulat na Cadag sa kaniyang uniporme. “Iyan din ang narinig ko mula sa isa sa mga bodyguard na kasama ni Mayor Rosales," paliwanag naman ng isa pa. "May balita ba kayo kung sino ang babaeng nakasama ni Mayor para ma-imbestigahan natin?" tanong ni Blake na ngayon lang nagtanong. "Wala pa kaming ideya, sir.” Isa sa mga pulis na kausap niya ang sumagot. “Ang narinig ko, napakaganda raw ng babaeng iyon at kinabaliwan agad ni Mayor, ang hindi niya alam ay espiya pala ng kaniyang mga kalaban.” Sumang-ayon naman agad dito ang kaniyang kasamahan. “Usap-usapan na taga-PDEA daw ang babaeng nakasama ni Mayor Rosales, sir. Malinis ang trabaho, kaya wala tayong masundan na trace.” "Pero batay sa deskripsiyon ng mga bodyguard na kasama ni Mayor kagabi, ay kaparehong unit ng gamit na sasakyan ni Attorney Lara ang ginamit ng babaeng nakilala ni Mayor sa bar, pero magkaiba ng plate number," sagot ni PO1 Cadag. "Oo nga, sir. Kaya pumunta kami dito para matingnan namin ang sasakyan ni Attorney Lara," paliwanag ng isa pa. Hindi nga ako nagkamali na mangyayari ito, kaya wala akong dapat ikabahala dahil malinis ang trabaho ko at kahit mag-imbestiga sila, wala silang makukuhang impormasyon na magdidiin sa akin. "Imposibleng sasakyan iyon ng girlfriend ko. Alas-kwatro pa lang kahapon ay umalis na siya papuntang Maynila kasi mayroon siyang meeting doon at umaga na bumalik dito sa bahay," paliwanag ni Blake. "Alam namin, sir. Kasi iba naman ang plate number. Kaya para makasiguro tayo, tingnan na rin namin," sagot ng isa pa. "Nasa Maynila na ang sasakyan ko, kagabi pa. Nagkaroon ako ng problema sa engine, kaya hindi ko na ito ginamit pabalik dito, lalo na't malayo ang biyahe dahil ayaw kong ma-stuck sa kalsada kapag tumirik iyon sa daan,” paliwanag ko. Kalmado ako habang kaharap ko sila. Nasanay naman ako sa interogasyon, kaya hindi ako kinakabahan kahit lahat ng kasama ko ay pulis. “Nakaparada sa labas ang sports car ko. I have my tollgate ticket nang dumaan ako sa expressway pabalik dito, and also sa gas station close to that area, kasi nag-recharge ako ng fuel doon, kaya puwede ninyong makita sa CCTV footage." "Okay lang, Lara. Hindi mo kailangang magpaliwanag sa kanila," sabat ni Blake, at pagkatapos, bumaling siya sa kaniyang mga kasamahang pulis. "Hindi suspect ang girlfriend ko para tanungin ninyo at magpaliwanag siya sa inyo.” Pinisil ni Blake ang palad ko, kaya napatingin ako sa aming mga kamay. Sa gilid ng aking mga mata, nakita kong napalunok ang mga kaharap naming pulis dito sa sala nang tingnan sila ng masama ni Blake. "Sir, hindi kami nag-iimbestiga. Alam mo naman dito sa atin, mabilis kumalat ang kwento, kaya para makasiguro tayo, pumunta na kami dito para tingnan ang kotse ni Attorney Lara," paliwanag ni PO1 Cadag. Tinaasan ko siya ng kilay nang ngumiti siya sa akin. "Hindi ko alam na pati pala pulis dito sa probinsya ay tsismoso." Napaubo ang isa sa kaharap namin at kumamot naman sa batok ang isa pa. "Hindi naman sa ganoon, attorney,” sagot ni PO1 Cadag. “Alam mo kasi, usap-usapan ngayon ang nangyari sa mayor namin kasi matagal nang namamayagpag ang pamilya niya dito at walang may lakas ng loob na kalabanin siya, maging ang kaniyang pamilya.” Pinakinggan ko ang usapan ng mga kaharap ko. Napagtanto kong untouchable nga at maimpluwensya talaga ang buong angkan ni Mayor Rosales, pero balewala ito ngayong siya mismo ang target ng organisasyong kinabibilangan ko. Mukhang nawala na ang pagdududa nila sa akin dahil nagbibiruan na silang lahat. Magaan silang kausap, pero maingat ako sa bawat salitang binitiwan ko dahil ayaw kong magkaroon sila ng hinala sa katauhan ko. "Alam ko namang hindi si Attorney Lara ang babaeng naging espiya kay Mayor kasi magkaiba sila ng kulay at haba ng buhok, at ang sabi, may tattoo raw sa kanang binti ang agent ng PDEA. Ang kinis kaya ng mga binti ni Attorney, walang—” Natigil sa pagsasalita si PO1 Cadag nang batuhin siya ni Blake nang nadampot nitong kahon ng tissue. "Tigilan mo si Lara, Cadag. Baka matakot siya sa ginagawa mo at bumalik agad sa Maynila.” Tinawanan ko lang ang sinabi ni Blake. "Lawyer ako at alam ko kung paano ipagtatanggol ang sarili ko." "Ito naman si Blake, overreacted agad. Sinabi na nga nitong si Cadag na hindi si Miss Lara 'yon,” natatawang sabi ng isa pang pulis. "Teka, saan ba magandang mamasyal dito sa inyo para naman masulit ko ang bakasyon ko?" pag-iiba ko sa usapan. "Maganda sana sa talon, Lara, kaya lang dahil malakas ang ulan kahapon, ay tumaas ang tubig sa ilog," paliwanag ni Blake. "Oo nga, attorney. Maputik rin kung mamasyal kayo ni Sir Blake doon ngayon," sagot naman ng isa pang pulis na kaharap namin. "Nababagot ka na ba dito sa bahay, Lara?" "Hindi naman, Blake. Gusto ko lang mamasyal dito sa bayan ninyo," tipid ang ngiti na sagot ko. "Naku, wrong timing ang pagpunta mo dito sa amin dahil maulan," sabat na naman ni PO1 Cadag. "Hindi na maulan ngayong araw. Puwede na kayong pumunta sa park mamayang gabi. Maganda doon, maraming ilaw at makikita ninyo sa ibaba ang sentro ng bayan natin," sagot ng isa pa. "Tama, makinig kayo dito kay Mark. Doon sila nagde-date ng kabit niya nang mahuli ni Kumareng Irene," nakangiting sabi ng katabi ni PO1 Cadag. Natawa ako nang batukan ito ng katabi. "Ang daldal mo, noon pa iyon. Nagbago na ako.” Matapos ang mahabang kuwentuhan, nagpaalam na ang mga kasamahang pulis ni Blake. Naiwan kaming dalawa dito sa bahay. Dahil nakatulog na ako kanina, hindi na ako inaantok at pinili kong tulungan na lang si Blake sa kusina para maghanda ng tanghalian namin. "Blake, puwede ba tayong bumili ng buko mamaya?" "Gusto mo bang kumain ng buko?" tanong rin ni Blake sa akin, kaya tumango ako. "Oo, gusto ko ng buko juice.” Sariwa at bagong pitas kasi ang buko dito sa probinsya, kaya mas masarap bumili dito kumpara sa binibilhan ko sa supermarket. Gusto ko rin na magdala ng maraming buko pagbalik ko sa Maynila para may additional stock ako. Isa kasi ito sa paborito kong inumin sa umaga. Maganda ang freshwater ng buko sa katawan at talagang nakasanayan ko na. Sa Vietnam ko natutunang uminom araw-araw ng buko juice. Noong naroon ako at nagti-training, nagkasakit ako dahil hindi kasi malinis ang tubig sa mga deep well, kaya ganyan ang iniinom ko hanggang sa natapos ang training ko. Napasinghap ako nang mula sa likuran ko ay pumulupot ang mga braso ni Blake sa katawan ko at bumaon ang mukha niya sa aking leeg. Napakagat-labi tuloy ako habang mahigpit na hawak ang kutsilyong gamit ko sa paghihiwa ng sayote dahil naramdaman kong lumapat ang basang labi niya sa balat ko nang halikan niya ako. "Naglilihi ka na siguro, Lara," tila natutuwang bulong ni Blake. "Nagsisimula ka nang maghanap ng pagkain." “Assuming ka,” natatawang sagot ko. "Imposibleng mangyari 'yan, Blake. Noong isang gabi lang may nangyari sa atin, tapos gusto mo, buntis na agad ako.” "Bakit hindi?” malambing na tanong ni Blake sa akin. “Naka-ilang putok ako sa loob mo, Lara. Hindi tayo gumamit ng proteksyon, kaya siguradong may mabubuo agad tayo." Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at hindi agad nakasagot nang dumapo sa dalawang dibdib ko ang mga kamay ni Blake at pinisil niya ang mga ito, kasabay ng pagdiin ng sarili sa akin mula sa likuran ko. “Walang mabubuntis sa loob ng dalawang araw, Blake,” natatawang sagot ko. "Then, araw-arawin natin, para siguradong makakabuo tayo," mahina niyang bulong malapit sa punong tainga ko. Muli niyang pinisil ang aking mga dibdib kasabay ng sensual na pagsipsip ng kaniyang mga labi sa leeg ko. May suot akong damit, pero biglang nag-init at tila apoy na naglalagablab ang pakiramdam ko sa aking katawan. Lalo na nang pumasok sa loob ng maluwag na t-shirt ni Blake ang kaniyang mga kamay at sabay na pinaglaruan ang mga dibdib ko. "Na-miss kitang katabi kagabi. Nahirapan akong matulog, tapos ang lamig pa," bulong niya sa akin. "Babawi tayo ngayon, Lara.” Saka ko lang naunawaan ang gustong mangyari ni Blake nang hatakin niya paitaas ang t-shirt na suot ko at mabilis niyang nahatak pababa ang boxer na pinahiram sa akin. Namalayan ko na lang na hubo’t-hubad akong nakatayo dito sa kusina at sensual na humahagod at naglalandas ang mainit na mga palad ni Blake sa pribadong bahagi ng aking katawan. Tuluyan akong nawala sa sarili kong katinuan at natangay sa tukso nang dumapo ang kamay niya sa hiyas ko at marahan niya itong hinaplos habang humahagod ang dila sa batok ko. "Bakit ba, baliw na baliw ako sa iyo, Lara? Anong ginawa mo sa akin?" paos ang tinig na tanong ni Blake habang patuloy ang panghahalik niya sa leeg ko. Hindi ko namalayan kung paano niya nahubad ang suot niyang damit. Naramdaman ko na lang ang mainit na balat ni Blake nang yakapin niya ako ng mahigpit, at patuloy na gumagapang ang basang labi at dila niya sa batok at leeg ko, pababa sa balikat ko. "Hmmm, Blake," impit na ungol ko nang bigla niyang ipasok ang daliri sa hiyas ko at pagkatapos ay marahan itong maglabas-masok. Napaigtad ako at mahigpit ang kapit sa lababo habang naglulumikot ang kaniyang pangahas na mga kamay sa pribadong bahagi ng aking katawan. Inalis niya ang nakabaong daliri sa lagusan ko at pagkatapos, bumulong siya sa akin na paghiwalayin ko ang aking binti at kumapit ako sa lababo. Hinawakan niya ako sa bewang, at mula sa aking likuran, naramdaman kong bumaon ang sandata ni Blake sa lagusan ko. Sabay kaming napaungol ng malakas. Hindi muna siya gumalaw at niyakap ako ng mahigpit. Sabay naming dinama ang masarap na pakiramdam habang magkahugpong ang aming mga katawan at nararamdaman niya ang init at kasikipan sa loob ko. “Ang sarap mo talaga, Lara,” nasasarapan na bulong ni Blake sa akin. Naramdaman kong bumaon ang ngipin niya sa aking balikat, pero balewala ang kirot na dulot nito dahil lalo lamang akong nag-init sa ginawa ni Blake. "Blake," impit na daing ko nang maramdaman ko ang masarap na kiliting dulot ng paghagod ng mataba niyang sandata sa lagusan ko. "Nagustuhan mo ba ang ganito, Lara?" sensual na tanong ni Blake. Lumunok muna ako bago sumagot dahil mahapdi ang aking lalamunan, kaya hindi agad ako nakasagot. "Sagutin mo ang tanong ko, Lara." "Oo, ang sarap, Blake." Hinalikan ako sa punong tainga ni Blake at sensual na naglandas ang kaniyang mga labi sa leeg at batok ko. Hinayaan ko lang siya dahil hindi ko na rin siya kayang pigilan dahil nag-iinit na rin. Nagsimula siyang umulos, kaya napasandal ang aking ulo sa kaniyang balikat habang nakaliyad at tinatanggap ang bawat masarap na paghagod ng alaga ni Blake sa aking lagusan. Nakapulupot ang kaniyang braso sa bewang ko, at ang isa naman ay nakayakap sa aking balikat bilang suporta habang umiindayog siya mula sa likuran ko. I had never experienced this kind of position before. Ngayon ko lang napagtanto na puwede pala, at kakaiba. It started with excitement. I actually began to like it. Before I knew it, I was moaning in his arms, begging him for more. "Ang… ang sarap, Blake," daing ko habang naninigas ang kalamnan at katawan. Kasabay ng mga impit na ungol at halinghing naming dalawa ay sumasabay rin ang malakas na tunog ng salpukan ng aming mga katawan. Naging mas agresibo pa si Blake, at aaminin kong kahit mahirap ang ganitong posisyon, ay nagustuhan ko. Naririnig ko ang malalakas na ungol niya mula sa likuran ko habang bumibilis ang kaniyang paghinga, pero bigla siyang tumigil, kaya't nangunot ang aking noo. Lumuwag ang nakayakap na mga braso ni Blake sa aking katawan, kaya napamura ako dahil malapit ko nang maabot ang sukdulan. Pero tumigil siya at mabilis niyang pinatay ang apoy sa kalan dahil umapaw pala ang tubig ng pinakukuluang tinolang manok. Magluluto nga pala kami, pero inaakit ako ni Blake, at pareho naming nakalimutan ang tungkol dito dahil katawan ko ang pinag-init niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD