Napadilat siya ng maramdaman ang pagyakap ni Liam sa bewang niya, mahimbing ng natutulog si Bella at patulog narin silang dalawa. Hanggang ngayon ay wala parin itong alam sa lihim niyang pagkatao. "Hon? alam kong gising ka pa", mahinang saad nito, ilang araw ng nakakalipas simula ng magkausap sila ni Isabel at nakapagdesisyon siyang ipagpatuloy ang buhay bilang ito. Binabagabag parin siya ng kalooban niya,, "Hmm?? bakit??" "I felt something bothering to you,, tell me what it is?? ginugulo kapa rin ba ng lalaking yun??", wika pa nito at marahan siyang iniharap nito sa kanya,, napagmasdan niya naman ang kabuuan ng gwapong mukha nito,, napailing siya at hinaplos ang pisngi nito. "Hindi na,, tinigilan na niya ko,, matulog na tayo,, baka tanghali kana naman magising", "Then tell me,, what'

