Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya pero ang lalaking nakatayo sa harapan niya ay may mukha ni Liam na ngayon ay nakangiti sa kanya. "Sophia", Nang marinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya ay kusa ng nagbagsakan ang luha niya. Mabilis na kumilos ang mga paa niya para salubungin ito ng yakap. Napapikit siya ng maramdaman ang bisig nito na mahigpit rin na nakayakap sa kanya. "Pero papanong??, anong ginagawa mo dito?? balak ko palang ang umuwi ng Manila ng malaman ko kay Isabel na nakauwi kana", aniya pa dito, nagitla naman siya ng salubungin nito ng halik ang labi niya,, "I miss you so much Sophia,, I'm sorry kung natagalan ako", "I'm sorry,, patawarin mo ko kung nagsinungaling ako sayo Liam", naluluhang saad niya dito, pero muli lang siyang niyakap ng mahigpit nito.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


