Sunod sunod ang ginawa niyang pag iling matapos makita ang laman ng bank account niya, halos mag negative na ang laman nito. Nag close narin ang iba pa niyang cards habang patuloy naman ang pagdating ng mga billings niya. Hindi niya pa alam kung makakabalik agad siya sa pagtatrabaho matapos ng ilang buwan niyang pagkawala. Marami pa siyang mga dapat na ayusin, isa pa sa inaalala niya ang sitwasyon ni Liam. Mahigpit ang pagbabantay na ginagawa sa silid nito kaya hindi siya makalapit. Nagpapasalamat siya na nakakapagtanong siya kay Manang Tess kaya kahit papano ay may balita siya sa lalaki. "Wag mo ng alalahanin ang billings dito Sophia, hangga't hindi ka pa nakakapagsimula ulit ako na munang bahala", narinig niyang wika ng kaibigan, naglapag ito ng dalawang tasa ng kape sa center table ni

