Isang oras na ang nakakalipas pero walang groom na dumating sa simbahan. Nanatili parin siya sa loob ng kanyang bridal car, labis na ang pagtataka ng mga ilang bisita kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin nag sisimula ang seremonya. Maingay narin ang bulung-bulungan pero buo ang loob niya na maghintay kahit pa matapos ang buong araw.
Napaangat ang tingin niya ng marinig ang ilang pagkatok sa bintana ng sasakyan. Agad umahon ang kaba niya ng makita ang Ama ng binata,, kung nandito ito marahil ay nandito din ang lalaki,, binuksan nito ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob.
"Sophia hija", may lungkot sa tinig nito, nagsisimula na ulit bumagsak ang mga luha niya habang nakamata dito, umaasa siya sa magandang sasabihin nito,,
"Dumating na po ba si Kael, Dad??", napahinga naman ito ng malalim at nag iwas ng tingin sa kanya, tuluyan ng bumagsak ang masagana niyang luha
"I'm sorry hija, but he already left. Kakatawag niya lang at hindi na siya makakarating. Ngayon ang flight niya papuntang Singapore", lalong nanikip ang dibdib niya sa narinig,,, nanginig ang labi niya at pinipigil ang paglabas ng kanyang paghikbi,, hinawakan naman nito ang dalawa niyang kamay
"We're very sorry anak, wala kaming nagawa,, please magpakatatag ka",
"Dad si Kael,, mahal na mahal ko siya,, I can't loose him,, mamamatay ako",
"Don't say that Sophia,, give him a space makakapag isip din ang anak ko. Alam kong mahal ka niya, pag naging okay na ang lahat babalik siya,, babalikan ka niya", napahagulhol na siya ng iyak dito, sobrang sakit ng puso niya na tila siya binagsakan ng langit at lupa,, ito na yata ang pinakamasakit na nangyari sa buhay niya at tila parang gusto niya nalang ang mawala.
"Get yourselves Sophia, hindi ka pwedeng sumuko ngayon lakasan mo ang loob mo", huling saad nito bago nagpaalam sa kanya, patuloy lang siya sa pag iyak sapo sapo ang dibdib na sobrang bigat at sakit. Hanggang sa tuluyan ng napagod ang sarili niya sa kakaiyak, tahimik na nakaupo lang siya sa loob ng bridal car. Nang magawi ang tingin niya sa labas ay unti unti ng nag-aalisan ang mga bisita sa simbahan hanggang sa wala ng natira kundi silang dalawa ng matalik na kaibigan.
"Bes, tama na. Umuwi na tayo,,", untag ng kaibigan sa kanya ng makapasok ito sa loob ng sasakyan, napailing lang siya dito, hindi parin matanggap ng kalooban niya.
"Nakaalis na ang lahat, umuwi narin tayo okay?? wag mo na pag aksayahan ng luha at panahon ang gagong lalaki na yun,, wala siyang kwenta ,, wag lang talaga siyang magpapakita sakin kundi masasakal ko siya hanggang sa mamatay siya", saad ng kaibigan at akmang paaandarin na nito ang makina ng sasakyan ng agad niyang pigilan.
"Sophia??",
"May titingnan lang ako sa loob", mahinang saad niya, kahit nanghihina ang tuhod ay nagawa niyang ikilos palabas ng sasakyan. Wala ng tao sa simbahan at tanging sila nalang ng kaibigan ang naroon, bitbit ang mahaba niyang gown at bulaklak ay marahan siyang lumakad papasok sa malaking pinto ng simbahan. Muli nag unahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha habang nililibot ang tingin sa paligid kung saan iniimagine niya na ginaganap ang masaya nilang kasalan. Humakbang pa siya hanggang sa makapasok siya sa entrance ng simbahan, naroon parin ang mga palamuti, dito dapat siya naglalakad papunta sa altar kung saan naghihintay sa kanya ang mahal niyang groom. Napahagulhol ulit siya ng iyak at marahang napaupo sa gitna ng carpet, nag eecho sa loob ng simbahan ang kanyang pagtangis sobrang sakit na tila kakapusin siya ng hininga.
Naramdaman niya nalang ang paglapit ng kaibigan at agad siyang niyakap.
"Tama na Bes, alam kong sobrang sakit pero please magpakatatag ka!!, hindi pa huli ang lahat,, may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng toh, siguro hindi siya ang lalaki na para sayo,, dahil kung talagang mahal ka niya hindi niya magagawang saktan at iwan ka", hindi matanggap ng kalooban niya, wala siyang ibang hinangad kundi ito, ang makasama ito. Ito ang pinangarap niyang makasama na bubuo ng masayang pamilya pero bakit ganito magbiro ang tadhana sa kanya? bakit ganito ang ginawa sa buhay niya, bakit siya iniwan ng lalaking pinakamamahal niya.
Hanggang sa hindi kinaya ng sistema niya, sa labis na paghihinagpis ay tuluyan siyang nawalan ng malay.
"Oh my god!!!, Sophia!!!!,, tulong!!!!"
Nang magmulat siya ay puro puti ang nakikita niya, walang ibang tao ang naroon kundi siya lang. Muli siyang napaluha matapos maalala ang lahat ng nangyari. Hanggang ngayon ay sobrang sakit parin, hindi niya alam kung hanggang kailan niya dadalhin ang sakit na ito na siyang dumudurog sa buo niyang pagkatao. Hiniling niya nalang na sana ay hindi na siya nagising pa. Agad siyang bumangon at tinanggal ang dextrose na nakakabit sa kamay niya, hindi niya alintana ang pagtulo ng dugo tila namanhid na siya sa sakit.
Kinuha niya ang damit sa gilid at madali na nagpalit ng damit, muli bumalik sa ala-ala niya ang masayang pag sasama nila ng binata. Kung saan sobrang mahal pa nila ang isa't isa.
"Pangarap ko ang makasal sayo Babe, tapos magkakaroon tayo ng maraming anak", natatawa na hinampas niya ito sa braso, graduating palang sila noon sa kolehiyo at halos hindi mapaghiwalay, mahal na mahal nila ang isa't isa
"Darating din tayo dun Babe, pag naging isang engineer kana at architect naman ako magkasama nating bubuuin ang mga pangarap natin", matamis na ngumiti naman ito sa kanya, ilang taon nalang ang titiisin nila at makakagraduate na sila. Magtetake rin sila ng bar exam at alam nilang hindi biro ang parehas nilang tatahakin, pero malaki ang tiwala nila sa isa't isa na magagawa nila iyon.
"Pag parehas na tayong mga professional, tutulungan kitang mahanap ang kapatid mo", lalo siyang napangiti dito, lingid sa kaalaman nito na may hinahanap siyang kapatid na nahiwalay sa kanya simula ng parehas silang ampunin,,
"Balang araw magkikita rin kami ng kakambal ko, at excited na talaga akong makilala siya", ngumiti naman ito saka siya inakbayan,,
Parang kailan lang nasa tabi niya ito at matamis na nakangiti sa kanya, pero ngayon tuluyan na siyang iniwan nito. Hindi pa man din sila nagkikita ng kakambal pero nagkaroon sila ng komunikasyon nito sa pamamagitan ng sulat. Nakatanggap siya ng ilang litrato nito at may usapan na silang magkikita. Sa araw sana ng kasal niya pero hindi rin ito tumupad gaya ng pinangako. Nang araw na yun ay hindi rin niya nakita ni anino nito. Napahinga nalang siya ng malalim habang patuloy sa paglakad, hindi niya alam kung nasang lugar na siya. Napaangat pa ang tingin niya ng maramdaman ang mahinang pagbagsak ng ulan, tila nakikiramay ang panahon sa sama ng kalooban niya.
"Kahit magkalayo tayo gagawa ako ng paraan para mahanap ka Sophia,, basta hintayin mo lang ako hah?? at lakasan mo ang loob mo", wika ng kapatid niya habang walang tigil siya sa pag iyak, kaarawan nila ngayon at ngayong araw din ang paghihiwalay nila, susunduin na ito ng mga taong mag aampon dito. Hindi sila pwedeng magsama kaya isa lang ang napili sa kanila habang sa kanya naman ay may naghihintay narin na mag aampon.
"Isabel, w-wag mo kong iiwan, wag ka umalis",
"Hindi kita iiwan! babalikan kita. Pangako magkikita pa tayo",
"Isabel!!!" habol pa niya dito ng bitawan nito ang mga kamay niya, lulan ang luha na sumulyap ito sa kanya habang akap akap siya ng madre,,
"Isabel!!!!! wag ka umalis!!!!", malakas niyang sigaw dito pero tuluyan ng tumalikod ang kapatid sa kanya,, nagpumiglas siya para mahabol ito pero malakas na napigilan siya ng may hawak sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak.
Muli nagbagsakan ang mga luha niya at lalong nadagdagan ang sakit sa dibdib niya. Bakit lagi nalang siyang iniiwan?? ang mga magulang nila, si Isabel at ngayon ang lalaking pinakamamahal niya.
"Anong pangalan mo bakit ka umiiyak dyan??", umangat lang ang tingin niya sa isang batang lalaki na nasa harapan niya,, hindi siya kumibo at patuloy lang sa pag iyak,, hindi matanggap ng kalooban niya na magkakahiwalay sila ng kakambal.
"Ako nga pala si Liam,,", sabay lahad nito ng kamay sa kanya, tiningnan niya lang iyon at nagulat pa siya ng kunin nito ang isang braso niya at hilahin siya patayo.
"Wala kabang kaibigan? pwede mo kong maging kaibigan para hindi kana maging malungkot", sabay ngiti pang saad nito pero wala siyang panahon para umimik dito,,
"Xander let's go!!", sabay silang napalingon ng marinig ang tinig ng ginang,, ngumiti naman na bumaling dito ang batang lalaki,
"Babalik ulit ako dito sa susunod na araw, maglaro tayo okay? at wag kana umiyak", wika pa nito ng nakangiti, sinundan niya lang ito ng tingin. Nang sumunod na bumalik ito ay naging kalaro na niya, sandali niyang nakalimutan ang lungkot sa nalalapit na pag alis ng kapatid. Pero hindi nagtagal ay nagpaalam din ito sa kanya, isang kwintas ang iniwan nito sa kanya na ang pendant ay isang ibong phoenix.
"Magkikita ulit tayo, sa pamamagitan niyan mahahanap kita", saad nito habang nakalagay sa palad niya ang kwintas. Hanggang sa dumating rin ang araw na hindi na rin ito nagpakita pa sa kanya. Tuluyan narin siyang iniwan nito kasunod ng kanyang kakambal.
Hanggang sa tumigil siya sa gilid ng malaking tulay,, mataman niyang pinagmasdan ang malawak na tubig sa ilalim. Lahat ng mahalagang tao sa buhay niya ay iniwan siya, wala na siyang dahilan pa para mabuhay. Hindi niya alam kung paano magsisimula, puno ng hinanakit ang kanyang dibdib at gusto niya nalang ang mawala. Agad niya ikinilos ang mga paa paakyat sa gilid ng tulay, kung tatalon siya ngayon dito ay tiyak niyang hindi na siya mabubuhay. Tuluyan ng matatapos ang paghihirap niya, wala namang mag aalala at maghahanap sa kanya eh.
Huminga pa siya ng malalim bago ipinikit ang mga mata, wala siyang takot na nararamdaman. Ang gusto niya lang ay makalaya sa matinding sakit at paghihirap ng kalooban. Baka sa gagawin niyang ito ay maging payapa na siya,,
Nanlaki pa ang mga mata niya ng makita ang babae na nasa dulo ng tulay, nakatuntong na ito at anumang oras ay balak ng tumalon.
"Noo!!! Sophia!!!!!!!", malakas na napasigaw siya ng makita ang mabilis na pagbagsak nito sa ilalim,, napatakbo siya sa gawin nito,, agad siyang kumilos para sundan ito. Maililigtas niya pa ito,, hindi siya papayag na may masamang mangyari dito,, gagawin niya ang lahat upang makabawi sa ilang taon na pagkukulang niya.