Ikadalawampu't Anim na Kabanata Ang paghahanap Point of View: Third Person "SIGURADUHIN NINYONG MAKIKITA niyo siya bago pa man siya makarating ng Arkania," utos ng ikalawang prinsipe, matigas at buo ang boses niya upang mas maintindihan ng mga kawal ang nais niyang mangyari. "Masusunod, Mahal na Prinsipe," sagot ni Rhonwen na siyang nangunguna sa paghahanap na utos ng prinsipe. Nang makalabas ang mga kawal na inutusan niya ay napasalampak siya sa kaniyang silya. Napabuntonghininga siya sa patong-patong na problemang kinahaharap. Mabuti na lang at nandiyan si Rhonwen upang tulungan siya sa ibang bagay gaya na lang ng personal na paghahanap kay Clairn. Gustuhin man niyang hingin ang tulong ng kaniyang amang hari ay hindi niya magawa. Kung tutulungan siya nito ay tiyak na mas mapabibili

