Ikalimampu’t Dalawa na Kabanata Unang ekspedisyon Point of View: Third Person Isinuot ni Clairn ang itim na strap sa kaniyang binti bago isinuksok doon ang kaniyang patalim. Sinisurado niya ring hindi iyon matatanggal agad bago tinakpan ng itim na kapote na umaabot hanggang binti niya. Sinipat niya rin ang talim ng kaniyang espada bago ibinalik sa lalagyan. Sinabit niya iyon sa kaliwang tagiliran niya at tinago rin sa loob ng kapote. Kinuha niya ang dalawang maskara na kulay puti sa lamesa at inabot ang isa kay Olivia na patapos na ring mag-ayos. “Kasama ko si Jet sa Silangang bahagi ng Okta,” ani Clairn habang sinusuot ang maskara. “Si Kevin naman ang kasama mo sa Kanluran habang sina Shawn ang sa Hilaga. Sinabihan ko na rin ang dalawa pa kung saan sa Timog na bahagi magmamasid.” Na

