Ika-apatnapu’t Anim na Kabanata Fahar Point of View: Third Person “Anong meron sa inyo ng ikalawang prinsipe?” tanong ni Olivia habang pinanonood ang pag-alis ng prinsipe sakay ng kabayo nito. Nagsimula namang maglakad si Clairn paalis nang hindi pinapansin o sinasagot man lang ang naging tanong nito. Ngunit hindi naman ito naging dahilan para tigilan niya ang babae sa pagtatanong pa ng iba. “Hindi naman sa may pakialam ako pero mukhang nag-aalala kasi siya sa ‘yo. Bukod sa anak mo, may iba pa palang malapit sa loob mo? Mukhang hindi ka na nga talaga myembro ng Black Knights dahil pinapapasok mo na ang ibang tao sa buhay mo.” “Simula nang papasukin kita sa buhay ko, doon na ako kumbinsidong hindi na nila ako myembro,” ani Clairn bilang pagsusubok na ibahin ang usapan. Hangga’t maaar

