Ikadalawampu't isa na Kabanata Ang Dahilan Point of View: Third Person Nang makaalis ang mahal na hari kasama sina Joe at Clairn ay agad na sumunod ang ikalawang prinsipe. Nagdadalawang isip man ay wala na siyang nagawa dahil mukhang hindi na niya makauusap pa si Clairn matapos nito. Bukod sa hindi na niya makikita pa ang mahal na hari ay mukhang walang balak na magpakita si Clairn sa kaniya o sa kahit sino sa kanila nina Rhonwen. At hindi siya makapapayag na mangyari iyon nang hindi napakikinggan ang paliwanag nito. "Maaari ko bang makausap si Clairn, Amang Hari?" Bahagya siyang nakayuko ngunit ramdam niya ang pagtigil nito at pagharap sa kaniya ng ama. Noon pa man ay takot na siya sa kaniyang ama. Kakaiba ang aura nito magmula noon, hanggang ngayon. Ngunit iba na siya. Kung dati a

