Chapter 14 (Pageant)

3066 Words
Chapter 14 Astherielle's POV Kalma, Asthe, medyo malaman ang statement niyang iyan pero hindi naman siguro para sa lahat, hindi para sa atin na hindi naman nakahu-hook up ang itsura. Pero sa pagkakaintindi ko, parang sinabi niyang pumapatol siya sa kahit sino basta gusto niya at gusto siya nito, kahit pa estudyante iyon. Nag-kissed kami, pero aksidente lang iyon. Malabong magkagusto ito sa akin kasi hindi ko rin naman gusto ang sarili ko para dito. At sa nakita kong tipo nitong babae, isa na iyong babaeng naghihintay kuno sa kaniya sa parking area, tila sinusuka ako ng standard niya na nasa isip ko. "Hindi po ba...bawal iyon? Student and professor's affair na tinatawag..." "Yeah," agaran naman nitong tango. "Totoo. Bawal nga. Talagang bawal sa mga passionate teachers, pero..." Tumigil ito at tinulungan ang sarili nitong makapasok dito sa pintuan kaya medyo nagkabanggaan ang mga noo namin. "Marites ka talaga, 'no? So, interested about me or the topic?" Pinabilis ko ang pagkurap. "Hindi naman po... N-Nasabi ko lang... Iyon ang alam ko, eh..." "Hindi nga? Bakit binabantayan mo ako rito? Chini-chika mo ako rito sa labas ng bahay ninyo... Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" tawa nito sabay pinagdikit ang mga kilay. "Kahit ano pang gusto mong itanong sa 'kin, sasagutin ko, Miss Zuluetevo... Pero sana naman... may kaunting comfortable space tayo while talking about that." "Hindi po ako interesado, pero ginawa ninyong interesting ang sarili ninyo..." pandedepensa ko sa naging reaction ko. "And... pasensiya ka na kung na-curious po ako, sir... Huwag na lang po ninyo akong sagutin or kausapin about diyan kasi marami pa naman pong magandang pag-uusapan, eh... Sige..." Tinalikuran ko na ito at lumakad na patungo sa sala. Hilo ba siya? Hindi ba siya natatakot na mawalan ng trabaho kung sakali? Pinaghirapan niya kung nasaan siya ngayon. Sa hirap ba naman ng subject na Calculus, idamay na lahat ng mga Math subjects! Pero ano nga kaya ang dahilan kaya niya nasabi iyon? Kaya ba niyang mabuhay nang walang trabaho? Kunsabay, may itsura siya. Magagamit niya ang katawan at pagmumukha niya para makahanap pa ng ibang trabaho. But come on, halos lahat ng mga nangangarap na maging guro, sinasabing iyon ang "calling" nila. Sa kaniya ba ay hindi? "Alam mo... I'm not afraid of loosing anything... Well, except my family and sanity, of course... During my young days... confident akong nagawa ko na lahat ng mga kalokohan sa buhay..." Well... mukha nga naman. May mga bisyo ito, naninigarilyo at nagbi-bilyar. "Well, just save it, sir... Hindi ko na po panghihimasukan iyan. Masyado nang personal, but thank you for riding it somehow..." Ayon, natauhan din ako! "Hmmm... Sige ho." Marahan naman nitong tinango-tango ang ulo, tila naninimbang pa rin ang mga mata. Oo na... Gusto ko talagang alamin pa ang mga iyon, kung hanggang saan ang pinupunto ng mga sinabi niya, pero baka mas lalo ko lang palalalahin itong kakaibang nararamdaman sa kaniya. I can feel it, he's different... Kung sinu-sinong lalaki na rin ang nakasasalubong, nakatititigan at nakakikitaan ko ng kagandahang katawan at pag-uugali sa campus, pero iba talaga ang professor na ito sa kanilang lahat. "Anyways... This is our living room-" Natigilan ako sa bumungad na bago at malaking display rito sa sala, a giant picture frame with a genuine portrait of me. Nakapuwesto ito right before the stair papunta sa second-floor nitong bahay. Ito iyong isa sa mga kuha sa akin ni tita after kong magpagupit. Si tita iyong taong hindi ka mahihiyang pakitaan agad ng totoong pagkatao mo dahil sobrang bait nito, masayahin at maingay. Yeah, kabaliktarang-kabaliktaran ko siya. Oh, tita, ang sweet mo naman! Ang ganda ko sa kuha kong ito. Wala man lang itong pasabi na ito ang balak niya sa isa sa mga sinabi niya favorite shots ko. Naka-sleeveless at pajama lang ko rito habang nakaupo sa steel seat at nakangiti nang malaki. Pati ako nahahawa sa ngiti ko rito. Masaya ako nang araw na iyan dahil walang ginawa kundi magkuwento nang magkuwento at magpatawa si tita. Every time na nahuhuli ko ang sarili ko na masaya sa bagong buhay ko, napatutulala ako sa mukha ni tita at mapapatanong na lang nito: "Paano kung hindi siya dumating para sagipin ako?" "Ikaw pala iyan without... your very loose outfits and without your mystery..." Naiiyak ako. Patulo na nga iyong luha ko sa isang mata, eh. Na-touched ako sa ginawang ito ni tita. Parang talagang itinuturing na niya akong anak. Wala siyang pakialam kahit na pinakamalaki na itong portrait frame ko sa lahat ng mga iba pang displays dito. Pero salamat sa biglang imik ng lalaking ito. Huminga ako nang malalim at kumurap-kurap. "That is me whenever I feel that I'm at home, sir... And that portrait of me was captured exactly here by my tita..." "Oh... Alright," simpleng komento naman nito sabay muling tingin sa picture ko sa wall. Ang tagal niyang pinagmamasdan ito. Agaw-atensiyon naman kasi sa laki at ganda ng pagkakagawa kaya hindi ko rin masabihang lumubay na rito. "Itatanong ko po si tita kung saan niya ipinagawa iyan... Baka po gusto n'yo ring magpagawa, eh..." Sa isip ko, sa pagkakaintindi ko sa tinging ipinupukol niya rito, parang nagustuhan niya ito. Hindi lang sa portrait niya pinadaan ang mga mata kundi maging sa mga edges ng frame. May mga mitikulosong curvings at diyamante ito. "Parehas lang tayong first time na makita iyan, sir... Kade-deliver lang siguro kanina... Tita ko po ang may pakana niyan," tawa ko nang pailing. "Minsan... hindi ko na rin kontrolado ang mga ideas niya. Pati pala ako ina-eye niyang maging view rito sa bahay..." "You're beautiful, Miss Zuluetevo... Do even know that you are?" Hindi pa ako tapos sa pag-digest sa unang sinabi niya pero may kasunod na kaagad. I just found out today that I'm beautiful. He was the first man to tell me I was beautiful. Kaunti na lang maniniwala na ako, eh. "P-Po?" "You are beautiful..." Gusto kong bawiin niya iyon pero instead, inulit pa niya. "Bachelor in Major in Biochemistry ka, hindi ba?" Tumango ako without me knowing. "They are currently searching for deserving and smarts men and women students under your department to join the pageant, search for Mr and Miss Biochemistry, next month..." Mabilis kong itinaas ang mga kamay at iwinasiwas ito nang walang humpay. Napaso ako pagkarinig ko pa lang ng word na "pageant", eh. Alam ko iyon. Fan ako ng mga local and international pageants, pero hanggang doon lang iyon. Hindi ako mapapasali ng sino sa gano'ng kapristehiyoso o sa kahit anong search competition pa. Akala ko pa naman magandang-maganda na ako sa paningin nito pero mukhang sinabi lang niya iyon para ipahamak ako, eh! Pasasalihin pa yata ako! Seriously, dahil sa portrait kong ito may pag-asa na akong manalo sa beauty pageant? "I saw your... previous grades.... Noong nagho-homeschooling ka pa..." Hindi ko pa man nabubuga itong pagtanggi ko ay nagdidikit na naman ang mga kilay ko sa dinagdag nito. "So far... ang tataas lahat..." "Sir, I got those grades because of consideration, because of mercy..." panguna ko rito bago pa madagdagan ang mga iyon. "Naawa lang ang mga naging teachers ko sa akin kaya pinagbigyan nila ako... Ayaw nilang tumigil ako sa pag-aaral. Gusto nilang tulungan akong makapagtapos ng pag-aaral... Iyon lang... Sa aming mga nagho-homeschool dati, may special treatment... Ako na po ang nagsasabi sa inyo... Umiiyak ang mama ko sa kanila na ipasa ako kung maaari para hindi na ako umulit..." Iyon ang na-built ko na palusot out of sa nasaksihan kong minsang pag-iyak ni mama sa harapan ng teacher ko dati. Nagkahiwalay kami na hindi ko nalaman kung ano ang dahilan ng ginawa niyang iyon. "I just informed you kung ano ang nangyayari sa department ninyo ngayon... Baka kasi hindi mo alam na may mga activities sa University na kailangan mong attend-an... Next month, magiging busy ang department ninyo siguro... The pageant I am talking to happened to be one of the activities under any department that needed attendance and attention from a student like you..." "Ah..." nasambit ko na lang sa lumusong na hiya sa dibdib ko. "Okay po... Sorry kung medyo natangahan ko." "Ang alin?" Akala ko pasasalihin na niya ako sa pageant, eh! Sinabi niyang maganda ako kaya ako naman itong si gaga na napa-assumed bigla! "Wala ho... A-attend po ako ng mga activities sa department namin at kahit pa sa mga activities ng University... Hindi naman po ako pasaway na student... Makaaasa po sila sa akin kung attendance lang naman..." "Hmmm... Right. Just right." Wala kaming masyadong napag-usapan dahil habang nasa kitchen ako na nagtitimpla ng kape, nasa sala naman ito na nakaupo at naghihintay. Thank you na lang talaga dahil hindi niya ako sinundan hanggang dito sa kitchen. Alam niya ang dapat na kalagyan lang ng isang bumibisita. Inilang higop lang niya ang tinimpla kong kape. Nagulat ako sa bilis niya. Kapapakulo ko lang kaya niyon. Siguro... hahabulin pa niya iyong babae niya kaya nagmamadali. Kape lang ang pinanindigan niya hanggang sa magpaalam na nga itong aalis na. Pumayag naman ako at inihatid ito hanggang dito sa labas ng gate. "Thank you for the cup of coffee, Miss Zuluetevo. Good night," anito pagkasampa niya sa motorbike. Hindi ako makapagsalita o makakurap man lang dahil ang mukha nito ang binabantayan ko, mukha niyang mayamaya lang ay matatakpan na ng helmet nito. Inaayos na lang ng mga kamay nito ang mga traps ng helmet. Nasa akin ang mga mata nito, tila nangwe-welcome pa rin kahit pauwi na. Nagising-gising na lang ako nang marinig ang baru-barurot mula sa motorbike nito. Pinapainit na nito ang makina. "Ako po dapat ang mag-thank you sa inyo, sir... Salamat sa paghatid ninyo sa akin..." "Welcome..." "Mag-iingat po kayo sa daan, sir... Good night... Mauna na rin po ako sa loob..." Sinadya kong pumasok na ng bahay hindi pa man ito nakaaalis. I really feel like I always have to adjust. But is that what I did when I went up to the room and continued to watch him from the window? Yeah, I watched him leave until he disappeared into the darkness. Twelve na nang makauwi si tita. Nag-aya itong matulog na agad dahil pagod at inaatok na rin. Kinaumagahan, nasurpresa si tita sa maaga kong paggising. Hindi ko pa alam kung ano ang plano ko sa mga oras na bakante ko ngayong umaga. Basta ang alam ko lang, parang may gusto akong puntahan. "Basta mag-iingat ka, okay? At iyong mga lagi kong bilin sa iyo, huwag mong pakalilimutan," sinabi nito nang nasa sasakyan na kami. Tumango ako at sinabing, "Opo, tita... Sorry po kung pati kayo napaaga ng gising at pasok..." "Natutuwa rin akong may pabigla-biglang nagbabago sa routine ko, Astherielle... Boring na rin iyong laging may sinusunod na oras..." Tumawa ito pagkatapos akong bigyan nang saglit na sulyap. Pagkababa ko ng sasakyan ay pumasok ako kaagad ng University. Hawak-hawak ko ang phone ko, nanginginig ang mga kamay dahil sa tinitimping nararamdaman. Sa online map, gusto kong alamin ang direksiyon papunta sa bar na pinagtatrabahuan ni mama at ang layo ng bahay namin mula rito. Gusto kong sumaglit saan man doon, gusto kong makita hindi lang ang nakalipas ko kundi pati si Mama. Bawal na bawal kong gawin iyon, pero ano'ng magagawa ko kung ito naman ang tila makapagbibigay sa akin ng kapanatagan, ng closure mula sa nakalipas? Hindi ko napagbigyan ang sarili kaya maghapong mabigat ang pakiramdam ko. Nakayukong halos lang ako sa klase, magtataas lang ng mukha kapag kailangan. Hanggang sa mapunta na nga ako sa huling klase ko ngayong gabi. "Good evening, class." Tinig na iyon ni sir Fawzi, pero parang manhid pa rin itong dugo at laman ko. Kinokonsensiya pa rin ako ng kanina. "Astherielle, hindi mo pa puwedeng puntahan ang mama mo at mga lugar na nakapagdala sa iyo nang matitinding karanasan sa buhay... Tiisin mo na lang muna, ha... One year pa para sure. Baka... ma-trigger ka ulit, eh... Natatakot lang ako para sa iyo..." Labag sa loob ko ang pagpayag ko sa pakiusap na iyon ni tita dalawang araw after kong makalaya sa loob ng facility. Para pagaanin ang damdamin, hinanap ko na lang sa 3D map ang bar na iyon at ang bahay namin. Totoo nga ang sinabi ni tita, kahit ayaw ko, babalikan at babalikan pa rin ako ng mga alaala ko basta may makita akong makapagpapaalala sa akin ng mga iyon. I cried inside. My heart bursting with mixed emotions and pains. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin. I'm embarrassed that my classmates and sir see me in this state. So, to avoid adding to the confusion, I concentrated on my notebook on the desk and my current state. Iyong mga nagagawa kong hulihin sa mga sinasabi ni sir, iyon ang isinusulat ko. Natapos ang klaseng lutang at malungkot ako. Pati ang paglabas ko ng classroom at paglakad ko sa hallway ay mga paa ko lang ang nakalaman at umalalay sa 'kin. Naiiyak pa rin talaga itong pakiramdam ko not until somebody interrupted on my way, isang maganda, mababa lang sa akin nang kaunti at tila magiliw na ginang in her early thirties. Ngayon ko lang namalayan na nakarating na pala ako rito sa main building ng department namin. "Ang suwerte ko naman at dito ka rin papunta, Miss..." nakangiting-malawak nitong sinabi at saka mabilis na idinugtong, "Hi... This is me, Ma'am Mira from Department of Biochemistry we both belong to... Puwede ba kitang maimbitahan sa office saglit?" Pamilyar nga siya sa akin... Taga-department nga namin ito. "H-Ho?" Umurong ang dila ko nang makitang sa likuran nito ay ang paparating na dean ng department namin. Paniguradong mahalaga ang sasabihin sa akin nito dahil hindi naman niya ako pakikiusapan nang ganito ka-hectic na oras kung hindi. "Don't worry, Miss, mabilis lang na pagpapaliwanag ang gagawin ko... Siguro naman... aware ka nang Biochemistry Department week na next month..." muni-muni nito para siguro makumbinsi ako lalo o para magkaroon din ako ng time na mahiya at pumayag na lang sa imbitasyon nito. Nang tumango ako at ngumiti ay kumalambitin na ang braso nito sa braso ko at iginaya na ako papasok ng department building. "Sakto, sasabay na tayo kay dean," tatawa-tawa pa nitong patuloy kaya nawalan na rin ako ng dila. Talagang sumabay kami rito hanggang sa makapasok ng office. "Overtime?" si dean na nang matanguhan at masagot ni Ma'am Mira ay nagtuloy-tuloy na sa private office nito. "Oh... Good evening, Ma'am Mira! Now who is with you this time?" malakas at pakuwelang tanong ng pogi at tila co-teacher din nila na unang nakapansin sa amin. Nagsitigil ang mga tao rito at nagsitinginan sa gawi namin. "Ito talaga iyong gusto, eh... Iyong nandiyan kayo para maipagmayabang ko iyong mga future candidates natin na makapagbibigay sa atin ng back to back to back crown sa University week, eh..." At sa sinabi niyang iyon nagsimulang totally mapatigil at mapalapit ang lahat sa amin. Hinainan ako ng upuan at pinaupo. Ako itong tila mannequin na nake-behave habang hindi na alam kung sino ang unang titingnan sa kanila. "Hmmm... May may potential din itong isang 'to, ah..." "Yeah... Medyo parang mas may dating ito kaysa sa tatlong unang dinala mo rito, Ma'am..." "Totally agree! Lalo na kapag naka-focus ka lang sa face niya... She's naturally... beautiful. And unique iyong pagkakahulma ng mukha ng batang ito... May mga features siya na... madalang mo lang makita sa isang Pinay." Iyong pakiramdam na inuusig ka na nang lahat in a nice and in intimidating way, ganiyan na ganiyan iyong pakiramdam ko ngayon. "Are you wearing any make-up or anything, Miss?" Hindi ko inasahan na ang paglabas ni dean sa office nito ay para itanong sa akin iyon. Mapostura at maganda pa rin ito sa taon niyang sixty-one, ha. Wala sa loob kong idinampi ang isang kamay sa pisngi. Ang plano kong sagutin iyon ay naudlot nang bumukas at lumagitik din pasara ang pintuan. "Hey! Look who just entered, huh!" tayong tuwid ni Ma'am Mira na sinabayan pa niya nang pagngisi at pagkuway sa taong pumasok. "Tuloy ka, sir, at samahan mo na rin kami rito... Sakto under sa iyo itong student na ito... Salamat pala sa iyo, ah!" Naupos na iyong natitira ko pang confidence sa mga taong nakapalibot sa akin kaya itong dadagdag na ito ay hindi ko alam kung kaya ko pang harapin. Sunud-sunod siyang binati ng mga ito at pagkatapos niyon ay malulutong nang mga kantiyawan. "Iba ka talaga pumili, sir! I mean, iba talaga kapag galing sa advisory class mo! Lagi na lang may pasabog! Lagi na lang kaming mapapa-stop at mapapakilatis sa mga recommendations mo..." Iyon ang pinakanangibabaw sa mga narinig ko. Kimi kong inginiti na lang ang mga labi habang mine-maintain pa rin ang level ng pagkakayuko ko. "I have no contribution to what you are saying, ma'am and sirs. I just computed their grades and gave you the results..." The melody in his voice is chilling. He just wants to keep up with them, professional approach pa rin ang ginamit nito. Iyon na rin mismo ang tila humatak sa akin para mapaangat ng ulo at tingnan ito. Iyong timbre, angas at karisma sa tinig nito, hindi nalalayo sa Professor na iyon. Akala ko pa lang iyon, pero mas nakawiwindang palang malamang totoo ang akala mong akala lang. Si Sir Fawzi nga na naman ito! "The promised second batch of the list you requested, ma'am, here it is..." abot nito sa folder na hawak kay Ma'am Mira sabay baling sa akin. "Bilang heartthrob ng buong campus at isa mga favorite gems namin, ano ang masasabi mo sa kaniya, sir? Ano, maganda ba, sir?" Inuna nitong hamunin ito kaysa abutin ang folder. Nagkatapat ang mga mata namin. Ako ang namimigil dito na sumagot pero ito ang tila naglalaro at kumakawala. "My eyes also see what you see... Yeah... She is... undoubtedly... pretty." He simply showed me an enjoying grin and later added, "Kaso... mukha siyang manang." "H-Huh..." react ko. Pati pagtaas ng sulok ng mga labi ko huli ko nang namalayan. "You really love some skins, sir, huh!" kantiyaw ni Ma'am Mira dito, while giving a meaning look and tone of voice that everyone except me knows. "That is one of the things I am looking for and judging," matalinong rason naman nito sabay hagod ng tingin mula mukha hanggang leeg ko. "Some skins." At nang balikan niya ako sa mga mata, nakapanghihinang pakiramdam ko ay nakalkal na niya ako. End of Astherielle's POV

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD