Don't tell me he rushed coming here thinking that the blood on my skirt is mine?
"Wala?" Naguguluhang sagot ko sa kan'ya.
Mula sa balikat ay dumausdos ang mga kamay niya sa kamay ko,ramdam ko ang pamamawis ng kamay niya at panginginig nito.
'S-sigurado ka?" Tila takot na tanong niya.
"Dugo ng manok 'yan," nahihiya ng sambit ko.
Kumunot ang noo niya at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Mahigpit na niyakap niya ako, sa gulat ko ay hindi ko alam kung tutugunin ko ba ang yakap na 'yon.
Isang nagmamadaling kalesa ang tumigil sa harap ng bahay at lumabas doon ang doktor na kaibigan ni Leandro at si Teresa. Humiwalay sa akin si Leandro at hinalikan ang noo ko.
"Umakyat ka na at magalit ng damit."
Tumango ako sa kan'ya at bumaling sa mga bagong dating.
"Sandali, Kuya gagamutin muna si Josefa," pigil ni Teresa.
"Dugo lamang ng manok, Teresa."
Napatigil si Teresa at naguguluhang tumingin sa palda ko.
"M-manok?" Nahihiyang tanong niya.
Tumango ako sa kan'ya. Nagpakawala naman nang malakas na tawa ang doktor at umiling sa magkapatid.
Umakyat na ako sa silid ko at nagpalit ng damit. Napalingon ako sa salamin at kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ko. Normal bang bumibilis ang t***k ng puso ko dahil sa inasta ni Leandro?
Nagtatawanan si Leandro at ang kaibigan niyang doktor nang lumabas ako. Nahihiya namang nakayuko si Teresa.
"Mabuti na lamang at wala akong pasyente kanina, a akalain mong nag-aagaw buhay si Josefa base sa reaksyon ni Teresa. Maliligo pa sana ako pero hinigit na ako ng kapatid mo Leandro."
Tumawa si Leandro at ni lingon ang kapatid na ngayon ay pulang-pula na. Lumapit ako kay Teresa at niyakap ito.
"Manok lang 'yon Teresa," wika ko.
"Tama, kalimutan na natin iyon, labis-labis na ang kahihiyan ko."
Tumigil na ang mag kapatid sa pang-aasar kay Teresa. Sa tingin ko ay malapit na itong mapikon.
Sumapit ang hapon at niyaya na ni Leandro na dito na maghapunan ang doktor. Pumayag naman ito dahil wala naman daw syang pasyente, ang tangling problema na lamang ay hindi pa ito naliligo.
Sa hapag ay masama ang tingin ng magkapatid sa ginataang manok, nakangiti naman ang doktor.
"Napakasarap ng manok!" si kuya Pedro na walang alam sa nangyari kanina.
Tahimik na lamang akong natawa. Napansin kong puro gulay ang nasa plato ni Leandro kaya naman nagsandok ako ng manok at nilagay iyon sa plato niya. Isang masamang tingin ang iginawad niya sa akin, at tawanan naman ang narinig ko sa mga kasabay kumain.
"Anong mayroon?" takang tanong ni Kuya Pero.
"Wag mo ng alamin," masungit na sagot ni Leandro.
Isang hindi malilimutang araw iyon para sa akin, nakakatawa man sa kanila, sa akin ay labis na saya ang hatid noon. Naramdaman ko kung gaano ako kahalaga sa kanila. Kahit na may ginagawa si Leandro sa bukid ay iniwan niya iyon para sa akin.
"Sigurado ka gusto mong sumama?" Tanong ni Teresa.
"Oo naman, kahit mainit ay ayos lamang," sagot ko sa kan'ya.
Papunta sila ngayon sa bukid at gusto kong sumama. Pumayag naman si Leandro pero si Teresa ay parang nagdadalawang isip pa. Sa huli ay hinayaan niya rin akong sumama. Gamit ang buong lakas ni Leandro ay inang at niya ako para makasakay sa kabayo, inangat niya ang sarili niya at sumakay din sa likod ko.
Si Leandro ang may hawak ng lubid, mabagal lamang ang galaw ng kabayo na si nasakyan namin samantalang ang kay Teresa at kuya Pedro ay mabilis.
"Naiiwan na tayo."
Sinubukan kong lumingon kay Leandro pero agad akong nagsisi sa sobrang lapit ng mukha niya. Mabilis akong lumingon sa harapan, uminit ang pisngi ko dahil doon.
"Nais mo bang bilisan natin?"
Tumango ako at alam ko namang nakita niya iyon. Natigil an ako ng maglakbay ang kaliwang kamay niya sa tiyan ko, pumulupot iyon ng mahigpit at isang mahinang palo niya sa kabayo ay tumakbo na iyon ng mabilis.
Ang malamig na hangin ay tumataba sa mukha ko, sa halip na matakot na baka mahulog ay natutuwa pa ako. Nalampasan pa namin ang kabayo ni Teresa at Kuya Pedro.
"Ang saya!" nakangiti ng sambit ko ng makarating na kami sa bukid.
Malawak na palayan ang nasa harapan ko ngayon, may kubo sa gilid at ilang mga puno ng mangga. Sa palayan ay may mga lalaking sa tingin ko ay naghaharvest ng palay.
Naunang bumaba si Leandro at nilahad ang kamay niya, humawak ako doon at unti-unting bumaba. Dumating na rin ang dalawa naming kasama at bumaba sa kani-kanilang kabayo.
"Sa kubo ka lang."
Kumunot ang noo ko kay Leandro, hayaan na naman siya sa pagiging istrikto niya.
"May mga mangga doon, kumain ka na lamang habang naghihintay."
Ang aga-aga mangga? Kahit gusto ko ng mangga ay hindi muna ako kakain no'n.
"Mamaya na lang."
Tumango siya at iniwan na ako. Lumapit siya sa mga nagtatrabaho at tumulong doon. Ang alam ko ay kanila ang malawak na palayang ito, maraming lupain ang pamilya nila at hindi na ako nagtataka na marami ang naghahangad na mapangasawa siya. Elizabeth you won girl!
Naglalakad-lakad ako at pinagmasdan ang paligid. Mula sa mga puno at mga ligaw na d**o, everything is green. Mula sa malayo ay tanaw ko ang pa minsan-minsang pag ngiti ni Leandro sa pakikipag-usap sa mga kasama. Teresa is also there working, the thought of me working with them excites me, ngunit gustuhin ko man ay alam kong hindi ako hahayaan ng magkapatid.
Isang marahas na pagtatakip sa bibig ko ang naramdaman ko at hinigit ako nito palapitin sa masukal na lugar. Nakatingin ako sa mga nagtatrabaho at nagbabakasakaling may lumingon isa sa kanila ngunit wala.
Nang makalayo ay binusalan nila ang bibig ko habang mahigpit na hinahawakan ang mga braso at binti kong nagwawala.
Apat na lalaki, pumatak ang luha ko. Sino ang mga ito? Anong kailangan nila?
"Magmadali na tayo baka mapansin nila ang pagkawala ng binibining ito," I heard from one of them.
Itinali din nila ang kamay ko sa likod at maging mga binti ko. Hindi ko akalain na noong unang panahon ay uso na rin ang pag kidnap. Binuhat ako ng isa na akala mo ay isang sakong bigas. Gusto kong mag wala pero baka mamaya ay ihampas niya ako. Kailangan kong I-save ang energy ko kung gusto kong makaligtas. Isa pa nagdududa na talaga ako bakit parang may mga nagtatangka sa buhay ko. Isa ba ito sa misteryo ni Esperanza?