Kabanata 10

1176 Words
Kinabukasan ay dinala nila ako sa bayan at iniwan doon. "Diyan ka lang, ipapaalam namin kay Leandro kung saan ka pupuntahan kung gusto mong makauwi ay wag na wag kang aalis dito." Tulad ng sinabi nila ay hindi nga ako umalis at naghintay kahit na hindi ko alam kung nagsasabi ba sila ng totoo. Lumipas ang maraming oras at kumakalam na ang sikmura ko pero wala paring Leandro na dumarating, sabagay ano ba namang aasahan ko kung may cellphone siguro sila at tinext na lamang kung nasa an ako ay baka kanina pa nga iyon nakarating. Yumuko ako at pinagmasdan ang mga paa kong madungis, maputik iyon. Inamoy ko ang sarili ko at hindi na kaaya-aya. Simula nang dukutin nila ako ay wala pa akong ligo. Isang yakap na mahigpit ang naramdaman ko. "Leandro..." Alam kong siya ito hindi ko man makita ang mukha niya. "Sinaktan ka ba?" "H-hindi..." Tumulo ang luha ko, I'm safe nandito na siya. Humiwalay siya sa'kin at pinagmasdan ang itsura ko. Nahihiya akong umiwas ng tingin sa kan'ya alam ko kung gaano ako kadungis. "Lumayo ka mabaho ako," utos ko sa kan'ya. Hindi siya lumayo at niyakap pa akong muli. "Patawad, simula ngayon ay kung kinakailangang itali kita sa aking tabi ay gagawin ko wag ka lamang mawala." Nagtungo kami sa kalesa na sinaktan niya. Sumakay kami doon ang akala ko ay malapit lamang iyon sa bahay nila ngunit napakalayo pala. Gabi na ngunit nasa daan pa kami, ang tiyan ko ay talagang nagwawala na, narinig niya iyon kaya pinagmadali ang lalaking nagpapatakbo ng kalesa. "Hindi naman kailangang magmadali," nahihiyang sambit ko. "Pero iba ang sinasabi ng iyong tiyan." Tila may panunukso iyon. Ilang Sandali pa ay natanaw ko na ang bahay nila at maliwanag ang mga ilaw doon. Nasa labas ang mga kasambahay maging si Teresa na hindi mapakali sa iisang lugar. Tumigil kami sa harapan nila at kitang kita ko ang pagmamadali ni Teresa ng makalapit sa amin. Nang makalapit ay hinawi niya ang kuya niya na nasa harapan ko at halos masubsob ito. "Teresa!" Hindi niya pinansin ang kapatid at yumakap ng mahigpit sa akin. "Josefa!" iyak niya. Sa higpit ay halos hindi na ako makahinga. Niyakap ko siya pabalik at lumuha kasabay niya. Lumapit din ang ibang kasambahay, maging ang mga taong hindi ko naman kilala. Nakikiusyuso lamang naman ang iba. "Saan natagpuan, Leandro?" Tanong ng lalaking may edad na. "Iniwan sa bayan, Mang Juan." May mga nagtatanong pa kay Leandro ay pumasok na kami ni Teresa sa loob ng bahay. Kahit gutom na gutom na ako ay mas pinili kong maligo muna at magalit ng damit. Kaya ko pang tiisin ang gutom pero ang amoy ko ay hindi na. Kasabay kong kumain si Leandro dahil ang ibang kasama sa bahay ay pawang nakakain na. Maraming hinandang pagkain si Silvia, ang kasambahay na kasama kong pumatay ng manok. Sobrang nag-aalala raw siya na baka ginutom ako ng mga dumukot sa akin. "Binibini, sigurado ka bang pinakain ka nila roon?" Nag-aalalang tanong niya. Ngumiti ako at tumango sa kan'ya. "Oo, Silvia. Puso nga ng saging ang ulam." "Mabuti naman, nag-alala talaga ako nang labis." Matapos kumain ay hinayaan na nila akong magpahinga sa aking silid. Humiga ako sa kama. "Namiss kita!" Niyakap ko ang unan ko at nagpagilong-gilong sa kama. Wala manlang foam sa pinag dalhan sa'kin ng mga kidnapper. Kinabukasan ay ang maamong mukha ni Elizabeth ang bumungad sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit at damang dama ko rin ang labis na pag-aalala nito. "Mabuti na lamang at hindi ka nila sinaktan, lahat ng tauhan namin ay pinakilos ko sa paghahanap." Niyakap ko siya ng mahigpit, thankful ako sa ginawa niya. Hindi man kami ganoon kalapit ay grabe parin ang pag-aalala niya. I feel like I need to do something for her, pambawi naman sa effort niya. "Naging abala si Leandro sa paghahanap sa'kin, dapat siguro magkaroon kayo ng bonding or date!" Masayang wika ko sa kan'ya. "Bonding? Date?" Naguguluhang tanong niya. Ay oo nga pala hindi nga pala niya 'yon naiintindihan. "Panahon sa isa't isa ganoon,' yong kayo lang dalawa, mag-uusap magkukwentuhan," paliwanag ko sa kan'ya. "S-sa tingin mo?" nahihiya ng tanong niya. Tumango-tango naman ako, pero malungkot siyang umiling, "Pero abala siya ngayon sa bukid nila, ayaw ko namang maging hadlang sa mga responsibilidad niya." Woah, napaka-understanding niya! "Akong bahala," I confidently told her. Napagkasunduan namin na magluluto si Elizabeth para sa hapunan nila at sa hardin sila kakain, parang dinner date. Alam kong excited na siyang surpresahin si Leandro bakas na bakas iyon sa mukha niya. Habang nagluluto siya sa kusina ay nag-aayos ako ng lamesa sa hardin. Isang bilog na lamesa gawa sa kahoy, nilagyan ko ito ng puting tela at sa gitna ay isang maliit na flower vase. Naglagay din ako ng dalawang upuan na magkaharap. Ang effort ko para sa date nila samantalang hindi ko pa naman naranasan ang mga ganitong bagay. I smiled bitterly, sana ako din. "Anong ginagawa mo?" Napalingon ako at nakita ang nagtatakang si Teresa. Tumitig siya sa lamesa at kumu not ang noo. "Para kay Elizabeth at sa kuya mo ito, para naman magkaroon sila ng oras sa isa't isa," paliwanag ko sa kan'ya. Mahina siyang natawa. "Kailangan pa ba noon? Kapag mag-asawa na sila ay kanila na ang oras ng isa't isa." "Iba naman 'yon." Dahil nandito narin lang naman siya ay nagpatulong na din ako. Nag-ayos kami ng mga halaman na nakapalibot doon para mas magandang tignan ang lugar. Nanguha rin kami ng mga rosas at tinanggal ang mga petals noon. Isinaboy namin iyon sa paligid. Magdidilim na kaya nag lagay na rin kami ng mga lampara sa paligid na siyang nagsisilbing liwanag doon. "Tapos na!" Masiglang sabi ko. "Ang ganda," namamanghang wika ni Elizabeth na ngayo'y naglalagay na ng pagkain doon. "Gutom na ako, kumain na rin tayo Josefa," si Teresa. Ngumiti ako sa kan'ya at tumango. Iniwan na namin doon si Elizabeth at sakto namang nakasalubong namin si Leandro sa sala na tila kararating lamang. "Nasa hardin ang hapunan mo, Kuya." "Ano?" Takang tanong ni Leandro sa kapatid. "Magtiwala ka na lamang," ako at nginitian siya. Naguguluhan man ay nagtungo na siya sa hardin. Dumeritsyo naman kami ni Teresa sa kusina dahil talagang gutom na kami. Dahil sa gutom ay naparami ang kain naming dalawa. "Silipin natin sila," si Teresa na ma'y pasaway na ngiti sa mga labi. Mabilis akong tumango at sabay kaming humagikhik nang mahina. Dahan-dahan kaming nagtungo sa hardin at nagtago sa malayo. Mula roon at kitang-kita namin ang mga ngiti nila, ang pa minsan-minsang patawa at pagtitinginan sa mga mata. Siguro kung sa romance movie ito ay oras na para sa kissing scene nila. May kung anong kumirot sa dibdib ko habang tinitignan sila. Bakit parang hinihiling ko na ako na lamang sana ay nasa lugar ngayon ni Elizabeth. Naiinggit ba ako? Is it because I want to experience that kind of moment? Or is it because of Leandro? Halos sapakin ko ang sarili ko sa naisip kong iyon, imposible na si Leandro ang dahilan, hindi pwede.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD