CHELSEY POV Buti at naisipan niya itong gawin. Bumalik na kami sa loob ng hospital at panay pa rin ang tingin niya sa paligid. May mga times pa na natatawa siya habang nasa hallway kami. This guy is so f*****g insane and scary, at parang ipinapain ko na nag sarili ko sa kapahamakan. Pagpasok namin sa loob ng kanyang room ay nagutom pa siya at ako pa mismo ang nagpakain sa taong ito. What choice do I have? Sa sama ng ugali ng lalaking ito ay walang gustong dumalaw sa kanya. That not even his money can do something para dalawin siya ng mga tao. May staff siya, maraming mga employees but I do not see any flowers sitting on the table bukod sa ibinigay ko sa kanya. Alam na din naman siguro nila ang nangyari dito sa demonyo nilang boss and it will definitely spread like a wildfire sa office

