SEAN POV Nang ngitian ako nitong si Chelsey ay mas lalo siyang naging maganda sa paningin ko. She is the only girl beside Ava na naaakit ako sa hitsura. Tapos bagay pa ang pagkaka rebond ng buhok niya. "Hoy anong tinitingin tingin mo ha?" tanong niya pa. "Sorry, sana ay makapag pa facial din si Ava katulad mo tapos magpa rebond din siya. Eh alam mo naman ang tao na yun, puro trabaho ang iniisip niya." "Ganun talaga, she has the highest position sa office so malamang ay nasa kanya ang pinaka malaking pressure dito Sean. Anyway, bilisan nating kumain kasi uuwi na ako sa bahay ko. Need ko na rin kasing magpahinga." "Magpapahinga ka tapos ano? Bukas ay pupunta ka ba ulit dito ha? Wag na Chelsey, sasayangin mo lang ang panahon mo. Alam ko na naghahanggad ka na magkaroon ng maraming pera

