AVA POV "Ava what is going on! Bakit naman kasi ganun ang naging presentation mo ha? Why did you do that? You know na nakasalalay ang buong company natin sa mga investors at ito ang pinaka mahalagang presentation mo sa lahat." May galit sa tono ng pananalita ni Miss Anna and nararamdaman ko na ako ang sinisisi niya sa nangyari. Umuurong ang dila ko at tanging luha lamang sa mga mata ko ang naisasagot ko sa kanya. "Sumagot ka! Ano ha napipi ka na? How can you do this to us!?" paninigaw niya pa. Sinampal ako ng malutong ni Maam Anna at sa lutong nito ay natahimik pa ako lalo. Hinawakan ko ang aking pisngi at umiiyak pa rin sa mga sandaling ito. "Tama na po Ma'am Anna, kung may dapat mang sisihin dito, wala yung iba kung di ako. Sa akin po ipinagkatiwala ni Ava ang presentation at ma

