AVA POV Ngumiti ako sa kanya at lumabas na siya. Nang isarado niya ang pintuan, niyakap ang katawan ko ng malamig na hangin at kasabay nito ang pagtindig ng mga balahibo ko. Kanina ay init na init ako pero iba na ang naramdaman kong bigla. Nakakabingi ang katahimikan. I missed having my phone pero malamang ay kasama na itong nasunog kasama ng aming bahay. Pero pwede rin na tinago ito nang demonyo kong ama. Naghintay pa ako ng ilang sandali, nakatingin ako sa pintuan at umaasang babalik kaagad si tito Gardo. Naiihi pa naman ako, I need assistance kase mahina pa ang katawan ko sa mga sugat ko. Nang mag bukas ang pintuan ay napangiti ako. Ngunit imbes na si tito Gardo ay si Doc Andrew ang nakita ko. Halata rin sa mukha niya na siya ay pagod. Ang dami rin siguro niyang mga pasyente na inasi

