SEAN POV "Bakit Sean? Wala ba siyang pananagutan sa mga nangyari sayo ha? Hayaan mo rin siyang gumawa ng paraan, isa pa, kaibigan niya din si Ava at natural lang sa magkaibigan na magtulungan. Sige na, wag na tayong magtalo pa dahil sangayon ako sa sinabi ng papa mo na dapat ay tumulong din siya sa kalagayan mo." "Ma, how many times do I have to tell you na mapanganib na tao si tito Hector? Paano kung si Chelsey naman ang mapahamak ha? Naawa na ako sa kanya, hindi ko gusto na gawin niya ito para sa akin!" Tumataas ang dugo ko, iniisip ko pa lang ang kalagayan ni Chelsey ay naaawa na kaagad ako sa kanya. There is no way na mako convince niya ang demonyong lalaki na yun na iurong ang kaso. Ako ang pinaka kinamumuhian niyang lalaki sa lahat. "Ma, kapag nagkita kayo ni Chelsey, please pa

