AVA POV "Bakit ayaw mong sagutin ang tawag? Baka boyfriend mo na yan at kinakamusta ka na?" "Hayaan niyo siya kung siya man ang tumatawag. Mamaya na ako sasagot sa tawag niya pagkatapos kong Kumain," sambit ko pa. Ang bilis kong ngumuya pero ang tagal kong lumunok. Ninanamnam ko pa ang bawat pagkain na pumapasok sa bibig ko. Baka siguro dito ko yayain bukas si Sean kasi panalo sa lasa ang pagkain. Kumaway ako sa waiter upang makahingi ako ng extra rice. Buti na lang at hindi ito kalayuan sa aming pwesto at mabilis din niya akong napansin. "Oh akala ko ba ay diet ka? Sinabi mo kanina na diet ka at baka bigla kang tumaba." " Sorry but I don't remember saying that," sambit ko. Lumapit ang waiter or rice man, o kahit na ano pa man ang tawag sa kanya. Binigyan niya ako ng isang cup of

