AVA POV "Ano teh ang bilis mong makalimot ha? Nakakatampo ka, hindi mo ako kaagad nakilala eh ang tagal na nating magkaibigan!" Nilagay niya sa paper bag niya ang shades at mask niya. Kaagad naman akong nanghingi ng paumanhin sa nagawa ko. "Sorry na kaagad! Eh ikaw kasi, halos takpan mo na ang mukha mo! Ano bang klasng fashion yan? Ganyan na ba ang uso ngayon?" natatawang tanong ko, friend ko siya but I don't really like her outfit. "Nge! Akala ko ba ay dangerous tayo ha? Kaya nga ganito ako para hindi ako makilala ng kahit na sino at baka tinitiktikan ka nang demonyo mong tatay. Of course mahal ko pa ang buhay ko kaya nga isa rin ako sa nag iingat eh. And based sa reaksyon mo ay masasabi kong effective itong ginawa ko. Anyway, baka gusto mo akong papasukin sa loob te?" "Ay sige s

