SEAN POV At ilang saglit pa ang lumipas, totoo ngang nanalo itong si Chelsey. Kilig na kilig siya sa nangyari. Yung talo niya nga kanina ay nabawi niya tapos may naging sobra ba. I am so sure na kapag nanalo rin ako sa sugal ay magiging ganito ang kili na nararamdaman ko. "Oh my gosh Sean nanalo ako!" sambit niya, ilang beses niya pa ngang pinapalo ang braso ko eh. "Hahaha! Sabi ko sayo ay mananalo ka, tapos kanina ay pag bibintangan mo pa ako at sinabi mong ako ang naghahatid sayo ng kamalasan hahahaha!" "Ewan ko sayo!" Nakatitig ako sa kanyang mukha at halata ko talaga na mas lalo pang naging maganda ang kanyang hitsura at bagong rebond nga talaga ang kanyang buhok. "Naks, sigurado akong yung napanalunan mo kahapon ay pinag pa rebond mo ng damit hehe!" "Hahaha! So what? Stress

