SEAN POV Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtawa matapos ang sinabi ni Chelsey. Ayaw ko sana itong gawin pero natatawa ako at ang hirap nitong pigilan. "Hahaha sorry pero nakakatawa yun Chelsey hahaha. Sasabihin mo pa sa akin noong nakaraan na ako ang malas sa atin pero ngayon ay natalo ka." Nainis kaagad ang kanyang mukha. "Ewan ko sayo Sean, napaka bully mo talaga. Ganun talaga sa sugal, you can't always be the winner and there is nothing I can do about that. Pero wag na natin pang ibahin ang usapan. Alam mo, masyado mo na akong dinadaan sa kwento eh. Umuwi ka na kasi kapag nag matigas ka pa ay isusumbong na kita kat Ava. Akala mo ba ay nag bibiro ako sa mga sinasabi ko sayo ha? Isang chat ko lang sa kanya at natitiyak ko na mag aaway kayo ng todo at baka kapag bumalik ka

