AVA POV Dama ko ang galit sa pananalita ni Ma'am Anna. "Yes po, he will not get away this time. Pero siya nga po pala, ang ganda po ng condo niyo. Talagang high class po at ang sosyal pa ng cr, wala akong masabi." "You are very much welcome! Dati kasi, kami ng mga anak ko ang may planong tumira dito but we decided na tumira sa bahay. And I am so glad na nagustuhan ito ng future president ng ating company. Eh nakakahiya naman kung low class condo ang tutulugan mo. After all the bad things that happened in your life, you deserved this kind of house. If you want, you can have it sa presyo na nabili ko!?" Umabot sa tenga ang ngiti ko sa huli niyang sinabi. I really want this kind of house para sa aming dalawa ng boyfriend ko. Hindi ko na kinakailangan pang sabihin pa ang tungkol rito dahil

