HECTOR POV Tiningnan ko ng masama si Ava at kinasaka ko ang barili ko sa harapan niya. Nakita ko ang namuong takot sa kanyang mga mata. Sino bang tao ang hindi takot sa baril? "Umayos ka ng pananalita mo Ava! Ang gusto ko lang ay ang malaman ng boyfriend mong inutil na buhay ka pa. Gusto ko na magalit ka sa kanya, sabihin mong nagseselos ka at nasa malayong lugar ka!" sambit ko matapos kong ibigay ang cellphone sa kamay niya. Ngumisi siya sa kabila ng pananakot ko. "Ano pa ang silbi ng pagtawag ko kay Sean kung ikaw rin ang masusunod sa mga sasabihin ko?" "Dahil bitag kita at wala kang magagawa kung hindi umayon sa lahat ng gusto ko. Baka nakakalimutan mo kung ano itong hawak ko ha? Walang masama na kamustahin mo ang boyfriend mo pero dapat na pumabor pa rin sa akin ang pag uusap niyo

