AVA POV "Sige, I will give you five minutes to do that. Dapat nandito ka na pagkatapos ng limang minuto." May pagbabanta sa tono ng boses niya. Nakakatakot, tagos sa buto ang kaba ko. I stood up at pasimple kong nilagay ang cellphone ko sa bulsa ko at naglakad. Akala ko ay hindi niya ito napansin ngunit ilang hakbang lang ay muli siyang nagsalita. "Bakit kinakailangan mo pang dalhin ang cellphone mo sa cr? You know that it's an expensive hotel, kahit na ilapag mo yan dito ay hindi yan mawawala." Napalunok ako, ang talas ng mga mata niya, walang lusot ang mga pasimpleng galaw ko. "Sorry, sanay po kasi akong dala dala parati ang cellphone ko," pagpapalusot ko. Umalis na ako sa harapan niya at nagtungo sa cr. Pero bakit ganun? Wala na ako sa harapan niya ngunit pakiramdam ko ay sinus

