SEAN POV "Kalma Sean, baka ako ang mali. Sorry kung nago overthink ka because of me. I did not mean to do that." "Pero hindi yan imposibleng mangyari. At malalaman lang natin ang sagot sa tanong natin kapag nakapunta na tayo doon," sagot ko. Nagpatuloy na kami sa paglalakad namin sa loob ng village hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ni tito Hector. Ang creepy nang tingnan ng bahay nila at malamang ay marami nang mga kababalaghan ang nangyari sa loob ng bahay na ito. Nag aalangan na nga akong umakyat sa puno at sarado din ang gate noong matanda na nakausap ko noong nakaraang araw. Napakamot na lang nga ako sa ulo ko, paano ako makakapasok nito!? Wala ang sasakyan ni tito Hector at napatingin ako kay Chelsey na napatingin sa paligid. "Bakit? May problema ba?" tanong ko sa

