SEAN POV Nagtatawanan kami ni Chelsey kasi binabalikan namin yung mga pinagsamahan namin ngunit nagulat na lang akong bigla ng umalis siya sa harapan ko. Para ngang nasusuka pa siya ngayon. Tatanungin ko nga sana siya kung ayos lang ba siya pero ang bilis niyang umalis sa harapan ko. Hindi ko na nga siya nasundan eh. Chineck ko ang cellphone ko at nakita ko na nagri ring ito. Natawag si Ava sa akin, malamang nito ay tatanungin niya ako nito kung nasaan na ako. "Babe, nandito pa ako sa mall, baka may ipapabili ka pa? Uuwi ako maya maya," sambit ko kaagad ng sagutin ko ang tawag niya. "Wala naman... nasa sayo na kung bibili ka ng pasalubong. Anyway kwento ko nga pala na nagpunta rito si Garry at kakauwi lamang niya!" "Pumunta siya diyan kahit suspended!?" tanong ko. "Mismo, nagulat

