Nagulat ako and I am so sure na ang laking halaga ng chips na meron siya! "Oh di ba? Sabi ko sayo eh, I am so right, maubos sana ang lahat ng pera ng lalaking yan. Tapos mapunta sa atin ang lahat ng mga panalo niya. Natatawa ako dito kay Chelsey. Grabe siya kaagad mag isip, ako, nayayabangan ako sa lalaking ito ngunit bahala na kung manalo siya o matalo. "Sa tansya mo Chelsey, magkano ang lahat ng chips niya?" mahinang sabi ko sa kanya. "Ano ka ba? May mga bodyguards yan so ang ibig nitong sabihin ay milyones ang mga itataya niya! Hayaan na natin, kapag may umalis na player, papalit tayo ha!?" Natatawa ako, nag simula nang tumaya yung lalaking ito. Hindi na nga niya binilang ang mga chips na tinaya niya, talagang halos kalahati na yata noong laman ng bag o higit pa. "Kasing lakas

