SEAN POV Grabe, halos kabahan ako sa ginawa kong pag sisinungaling kay Ava na masakit ang tiyan ko and so far ay mukhang naging effective naman ito dahil sa hindi niya ako pinaghinalaan. Kasi kung hindi ko ito ginawa, malamang ay magiging matindi ang galit niya nito sa akin sapagkat late akong umuwi. Buti na lang ay mabilis akong nakauwi dito sa bahay although dito talaga sumakit ang tiyan ko at nagkatotoo. Ang sasarap ng mga pagkain doon sa restaurant na kinainan namin ni Chelsey nitong nakaraan and at the same time ay ang sarap din manalo ng limpak limpak na mga salapi. Ito na yata ang pinaka reward ko sa pagpunta ko doon. Winning two million? That is not a joke money at marami na akong pwedeng magawa sa ganyang kalaking pera lalo na ngayon na buntis ang misis ko at paparating na ang

