"Ayos ka lang ba rito ha?" tanong niya. Sa totoo nga lang, hindi ako okay rito at mas gusto ko talagang mag check in pero masyado na rin kasing gabi at ayaw ko nang mag biyahe. "Yes! Maraming salamat sa concern mo but I am going to be fine. Siya nga pala, samahan mo muna kaya si Ava doon sa labas ha? I am so sure na kaylangan ka pa niya eh!" Umupo siya sa kama, "Ano? Si Ava, nag papahinga na sa kwarto namin ngayon. Actually, nahilik na nga kasi pagod na eh!" "Oh eh di gapangin mo na mamaya!" pag bibiro ko pa but in fairness, natawa siya sa joke ko na ito. "Hahaha! Puro ka kalokohan Chelsey, pero bakit ayaw mo pala kumain sa labas ha? Nahihiya ka ba sa pamilya ko?" "Nahihiya? No!" pag sisinungaling ko sa kanya. "Actually, papalabas na nga sana ako ngunit itong si Ava ay biglang puma

