AVA POV Ngumisi siya pero mayroong pagdududa sa kanyang mga mata. "Weh di nga?" pabiro niya pang sambit. "Yes po, totoo ang sinasabi ko sa inyo, wala po talagang nangyari sa amin ng boyfriend ko. Although I will not deny po na mayroon pong times na kinukulit niya ako patungkol dito at parati kong ini insist na gawin namin ito kapag ikinasal kami." Mas lumawak pa ang ngiti sa kanyang labi. Tila ay naging ibang tao na siya ngayon. Iba ang ngiti ng kanyang labi sa mga sandaling ito. "Paano kung halimbawa na hindi na siya magising pa sa hospital dahil sa kalagayan niya?" Grabe pangalawang insensitive na tanong niya na ito sa akin. Tagos sa buto ko yung sakit, kanina pa lang masakit na yung sinabihan niya hindi natuloy ang kasal namin tapos humirit pa siya ulit. "Please wag po sana kayon

