HECTOR POV Ayaw ko pang i-start ang kotse. Tinitigan ko siya kagaya ng pag titig niya sa muscle ko. Kahit na medyo madilim dito sa kotse ko ay nakikita pa rin ng mga matalas na mata ko ang ganda niya. Napaisip tuloy ako, imposibleng hindi magkaroon ng gusto si Sean sa ganitong klase ng babae. Kung ako sa kanya, kayang kaya ko silang pagsabayin ni Ava sapagkat parehas na maganda. Nang mapansin niya akong nakating sa kanya ay umiwas na siya ng tingin at yumuko. Samantalang ako ay nanatiling nakangiti sa napakagandang binibini na ito. "Salamat po sa paghahatid niyo ngunit pakibaba na lang po sana ako sa may Lrt at ako na po ang bahala na sumakay pauwi. Nag half day lang kasi ako sa work ko," nahihiya niya pang sambit. "Parehas tayong nag half day. Wag kang mahiya sa akin, kahit na gaan

