AVA POV Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas ay nakalaya na din ako at ngayon ay nakipag usap na ako sa mga taong malalapit sa akin. Sobrang na miss ko si Chelsey at si Sean, ang saya ko na nakita ko din sila sa wakas even if sa video call lamang. Bagamat may lungkot din kahit papaano sapagkat ang hirap na nakakita kong nahihirapan si Sean sa kulungan. Sana ay wala kaming maging problema, gusto ko siyang makalaya na sa kulungan. Isang mabait na lalaki ang boyfriend ko at kung nagawa man niya ito sa demonyo kong step daddy, ito ay dahil sa labis na pagmamahal niya sa akin. At hindi rin ako labis makapaniwala kay Chelsey na halos ipahamak ang kanyang sarili para lang makalaya si Sean. Siguro ay sinisisi niya din ang sarili niya sa nangyayari, dapat na mag usap kami ng masinsinan nito. Na

