SEAN POV Muli ko siyang hinawakan sa kanyang sando sa galit kong mas lalo pang tumitindi, "hayop kang matanda ka! Saan mo dinala si Ava ha! Nakita ko ang van niya kanina sa labas na paalis!" "Hahahaha! Nagpapatawa ka ba Sean? Ang van na umalis kanina, hindi si Ava ang may ari nito. Van yun ng kaibigan ko na nakainuman ko kanina dito sa loob. Ang hirap kasi sayo ay puro ka tamang hinala!" Sinapak ko siyang muli sa mukha niya at tumilapon siya sa sahig. Hinarangan na ako ni Chelsey ulit. "Sean, how about the CCTV cameras? Ito ang matibay nating ebidensya laban sa lalaking ito na kinidnap ng lalaking ito si Ava!" Nang matapos magsalita si Chelsey ay mayroon kaming narinig na pagsabog mula sa loob ng bahay sa aming likuran. At hindi lamang isang beses may sumabog, sunod sunod ito at na

