CHELSEY POV Sobrang naiiyak ako sa mga sandaling ito. Hindi ko lubos akalain na tapos na ang mga maliligayang mga araw namin. Ang buhay na matagal ko nang pinapangarap para sa pamilya ko, ngayon ay tuluyan nang naglaho. Sino aakala na hahantong ang lahat sa ganito? Paano na ang mga luxury bags ko? Ang mga ibang gamit kong mamahalin? All the things na binigay ko sa family ko? Lahat ng ito ay maglalaho na ng parang bula. Daig ko pa yata ang isang tao na broken hearted. Wala nang mas sasakit pa sa paghihiwalay namin ng pera. This is so f*****g hard to accept. Sa sobrang taranta ko ay isang million lang ang nakuha ko. Ano ang gagawin ko rito? Bwisit! Isang malaking tanga si Hector na tumakas sa kulungan. I honestly did not know about this at all. Siguro ay talagang naiinip na siya doo

