CHELSEY POV Napagsabihan man ako ni Ma'am Anna ngunit sa tingin ko ay wala na kaming problema. Ang awkward nga lang dahil itong mga friends ko ay sabay pang nag cr. I don't want to be alone with her kaya sana naman ay bumalik na sila dito kaagad. "By the way Chelsey, bakit nga pala ganyan ang suot mong damit ngayon ha? I did not recognize you at all kanina. Akala ko nga ay widowed wife ka ni Hector eh!" Naiinis ako, dalawa na sila ni Garry na ganito ang sinabi but she is my boss kaya ngumiti ako sa kanya. "Actually, naging tradisyon na po kasi ng pamilya namin yung ganitong suot kapag po na attend kami ng lamay. Masyado po bang oa?" "No," sambit niyang nakangiti, "It's not weird pero kasi ay naninibago lang ako. Bukas nga pala, sumabay ka na sa akin papunta rito. Delikado pa masyado

