May mga pulis doon pero nagawa mo pa rin dumalaw. Bilib ako sa lakas ng loob mo, wala ka na ngang pera but you managed to do it. Paano kaya ito kapag nalaman ni Ava na yung stepdad niya na inakala niyang isa na lang abo ay buhay pa pala. Napatawad ka na niya kasi alam niyang wala ka na but what if she found out about it?" Ngumisi ako sa kanya matapos ang mahaba kong litanya. "Hindi naman siguro malalaman ni Ava ang tungkol rito kung iiwasan mo na isumbong ako sa kanya. Pero Chelsey, wala kang magagawa dahil alam mo na ang tungkol sa akin. Tandaan mo, muli kong isusumbat sayo ang lahat ng mga naitulong ko dahil noong panahon na ikaw ang may kaylangan, ako lang ang nagparanas sayo ng magandang buhay. At ngayon, sisingilin na kita sa lahat ng mga ito. Maging totoo na tayo rito, niligtas k

