Maging si Garry, ang seryoso rin ng kanyang tingin. Teka lang bakit ano kaya ang nangyari rito? "Chelsey... may malaki kang kasalanan..." nauutal na sambit nitong si Garry. "Kasalanan? Teka bakit naman po? Maayos naman ang naging trabaho ko at nabili ko ang mga pinapabili niyo sa akin," sambit ko habang naka tingin ako kay Ma'am Anna. "Chelsey, nagkamali ka ng pag send mo ng email. Imbes na sa certain individuals mo ito na send, you sent it sa lahat ng mga employees and this is a major offense sa ating data privacy. Galit si Mr. Tan at ang ibang boss. What is going on ha? Bakit ka nagkamali? Matatanggap ko pa sana kung halimbawa na hindi confidential ang email pero sobrang confidential ito," sambit niya na halatang nag pipigil ng kanyang galit. Grabe yung ginawa kong katangahan. I wa

