CHELSEY POV Masyado akong naaartehan sa mag ina na ito sa aming harapan. Kuhang kuha nila ang inis ko. Nag sisisi tuloy ako na naging ganito ang suot ko. Dapat ay nag simpleng damit ako. Baka madamay pa ako rito at isipin ng mga tao na kasama ko ang dalawang gagang ito. But on the other side, natatawa ako sapagkat masyado silang nakakatawa. Imposible na anak ni tito Hector ang babaeng ito. She is pretty though, prettier than me ngunit walang bakas ni Hector physically. Maniniwala pa ako kong kahit papaano ay magkahawig sila. Halatang mana lang ang habol ng dalawang ito pero dapat muna silang mag drama. Since buhay pa si Hector, I am going to inform him about this at kukuha ako ng DNA sa kanya at ito ang ibibigay ko kayla Ava. At syempre, kunwari ay nahanap ko ito sa kanilang bahay ngun

