CHELSEY POV "Anong meron dito?" tanong ni Ava na biglang sumulpot at sumingit sa usapan namin. "Ewan ko ba rito kay Chelsey. Sinabihan ko siya na bawal siyang mag uwi ng pagkain ngunit tila ay ayaw niyang maniwala." Nilaglag pa ako nitong si tita Risa pero kahit pa, I really don't care sa mga pamahiin na sasabihin niya sa akin. As if naman na magkakatotoo ito. I am just being so practical. "Sorry girl, nagtitipid kasi ako, last na ito promise. Hindi na ito mauulit pa!" sambit ko kay Ava. "Okay girl, walang problema sa akin basta pumasok ka bukas and please, sundin mo ang sinasabi ni Ma'am Anna para maayos kaagad yung problema. Ako rin, dadaan ako ng office before or after ng lunch so I am going to talk to him as well! Hays! Mabuti talaga at nandito si Ava who saved me once again. She

