"Balita ko Chelsey masakit ang tiyan mo ha?" Tumingin ng masama sa akin ni Chelsey, "Oh kita mo na Ava! Sinasabi ko na nga ba at pinag usapan niyo ako kanina eh! Sabi mo hindi niyo ako pinag usapan?" Si Garry na ang sumagot ulit sa kanya, "Teka ano bang pinag puputok ng butchi mo ha? Si Ava, sinabi lang na masakit ang tiyan mo kasi binilhan ka niya ng gamot na nasa bulsa ko pala!" Buti at sinalo ako nitong si Garry na dinukot mula sa kanyang bulsa yung gamot at nilapag sa lamesa. Yung sama ng tingin ni Chelsey ay nawala. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Mabuti at nagpabango siya ngayon. Akala ko ay amoy cr siya eh! "Oh my gosh! I am so sorry girl, na judge kita kaagad without knowing the full story. Anyway, eat well ha? Baka singilin mo ako sa siopao na ito?" "Ano ka ba! Bakit

