SEAN POV Nandito ako ngayon at tamang pahinga muna. Although kanina pa nga ako nag papahinga rito kasi walang mayadong tao. Nakaka bagot din pala ang ganito na walang trabaho pero this is my duty habang wala si Ava. Gusto ko na maasahan niya ako pagdating sa ganitong bagay. "Sean, matulog ka muna doon kung gusto mo. Para mamayang gabi ay may kasama si Ava at kami naman ng papa mo ang matutulog!" sambit ni mama na umupo sa aking tabi. "Ayos lang ako ma, sanay din ako sa puyatan. At tsaka baka bigla akong tawagan ni Ava. Nangako ako sa kanya na mag babantay ako rito. Magtatampo siya sa akin nito kapag hindi ako tumupad sa pangako ko heheh!" "Normal sa magkarelasyon ang nagkakaroon ng tampuhan at isa pa, pagtatakpan na lang kita sa kanya kung malaman niya ngunit sa bibig mo na rin nang

